^

Dr. Love

Hatol ng langit

- Ni Danny Q. Junco -
May anim na linggo na ang nakaraan mula nang ako’y manawagan sa mga anak ng Diyos na mag-ayuno at manalangin sa layunin na kahabagan Niya tayo sa mga iginagawad Niyang hatol sa ating bansa. Ang dahilan ay ang mga kasalanan ng lahat ng mga mamamayan, kasama na ako, ay nakakarating sa trono ng Diyos.

Sa sinabi ko na nagkaroon ako ng pangitain habang ako at ang aking mga kasamahang elders at mga pastor ng Christ, the Living Stone Fellowship (CLSF) ng Mandaluyong City, nakita ko ang isang malahiganteng anghel na may hawak-hawak na tabak sa kanyang kamay at siya’y nakatayo sa may bandang katimugan ng ating bansa.

Dahil sa gulat at takot ko, hindi ako nakakibo at nakapagsalita hanggang dumating sa puntong nasabi ko sa aking mga kasamahan ang nakita ko sa pangitain. Ang ginawa namin, lalo kaming nagpuri at sumamba sa Diyos upang alamin kung ano talaga ang mensahe ng Diyos para sa ating bansa.

Habang nagpupuri at sumasamba kami sa Panginoong Jesu-Cristo, nakita ko naman ang isang anghel pero hindi siya gaanong malaki. Siya ay may kinukuha sa lupa at mayroon din siyang ipinapalit. Ayon sa mensahe ng Diyos, kinukuha ng anghel ang pundasyon ng kasamaan sa ating bansa at pinapalitan niya ito ng pundasyon ng habag at kaligtasan ng Diyos. Mangyayari lamang ito kapag ang mga anak ng Diyos ay mananalangin at mag-aayuno sa loob ng 49 na araw.

Sa unang linggo, ipinananalangin namin ang aming pamilya dahil ito ang unang-una na dapat ipanalangin bilang pinakaunang unit sa lipunan. Sa pangalawang linggo, pinananalangin namin ang community kung saan ang mga pami-pamilya ay nakatira. Pangatlo, ipinanalangin namin ang Iglesya o katawan ng Panginoong Jesu-Cristo. Pang-apat, pinanalangin namin ang mga mamayan. Panlima, pinananalangin namin ang lungsod. Pang-anim, ang gobyerno at pampito ang bansa.

Habang isinusulat ko ito, pang-anim pa lamang na linggo ang ginagawa naming panalangin at pag-aayuno. Sa kasalukuyan, pampitong linggo na kaming nananalangin at patuloy naming hinihingi sa Diyos ang Kanyang habag at awa upang ang hatol Niya ay hindi gaanong maging marahas. Sa Biblia, kapag naghatol ang Diyos, ito ay nasa tatlo lamang kategorika: Una, ang hatol ay maaaring man-made violence o civil war; pangalawa, natural disasters o kalamidad at pangatlo ay pestilence o mga sakit na nakakamatay.

Sa tatlong ito, ayaw po natin na ito ang mangyayari sa ating bansa dahil napakasakit kapag isa sa mga ito ang mangyayari.

Ang panalangin ko, tayong mga Filipino ay matutong magsisi o tumalikod sa lahat ng uri ng kasalanan at manunumbalik tayo sa Diyos upang makakamtam natin ang totoong kapayapaan, kasaganaan at katotohanan.




Bishop Dan Balais


Chairman, Intercessors for the Philippines

Senior Pastor, CLSF

Mandaluyong City

(Sa mga nais humingi ng payo, panalangin, pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF: U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5791/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Malabon, 273-8256/270-3836; Q, 724-0676; Parañaque, 821-5335; Cainta, 656-7998, at Mandaluyong, 533-5171.)

BISHOP DAN BALAIS

DIYOS

HABANG

LIVING STONE FELLOWSHIP

MANDALUYONG CITY

NIYA

PANGINOONG JESU-CRISTO

SA BIBLIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with