^

Dr. Love

Hindi ka laruan

-
Dear Dr. Love,

A pleasant day to you. I’m one of your avid readers. My day is not complete lalo na kapag wala ang column mo sa PSN. Just call me Ms. Confused, 20 years-old.

Ang problema ko po ay ang dati kong boyfriend, si Mr. V.R. Ako po ang nakipag-break sa kanya kasi po nung time na kami pa ay nawalan kami ng communication ng mga ilang buwan. Our relationship lasted for about 5 months pero ang 2 months nun ay wala akong narinig ni ha o ho mula sa kanya. Wala rin akong natanggap na letter from him.

So naisip ko na baka wala na siyang feelings for me kaya gumawa agad ako ng break-up letter para sa kanya na ipinaabot ko sa pinsan ko na kapitbahay lang nila.

Pero wala pa rin akong natanggap na response from him. Hanggang sa magkita po uli kami, nagkausap at hiniling niya sa akin na kung puwede ay maging friends pa rin po kami. Kahit na masakit sa akin ay pumayag na rin ako dahil mahal ko pa rin siya.

Ipinagtapat niya sa akin na nung time na nawalan kami ng communication ay nagkabalikan sila ng dati niyang girlfriend kasi iniyakan daw siya nito at hiniling na maging sila uli. Naawa naman daw po siya pero hindi rin nagtagal ang relasyon nila. Sa madaling sabi ay nag-two time siya.

Dr. Love, naguguluhan po ako kasi kapag nagkikita kami ay parang kami pa rin. He still hugs and kiss me na parang kami pa rin. Yun nga lang ay wala na yung words na "I Love You" pero sa gawa naman po niya ipinakikita sa akin.

Bakit kaya di ko magawang iwan siya? Nag-try din po akong makipag-boyfriend sa iba pero lagi pong nauuwi sa hiwalayan dahil siya pa rin ang hinahanap ko. Sabi po niya sa friend ko, he still loves me kaya lang ay natatakot siyang masaktan niya ako uli.

Pero nung huli kaming magkita noong March 2, 2002, super sweet na naman kami sa isa’t isa. Naiwan niya sa akin ang cellphone niya at may nabasa akong message ng isang babae na tinawag siyang Honey. Napakasakit ng naramdaman ko nang mabasa ko ito. Pero hindi ko pa rin magawang kalimutan o iwasan siya. Di ko rin magawang magalit sa kanya.

Sana po ay payuhan ninyo ako.

Confused Girl


Dear Confused Girl,


Sa ginagawa mo ngayo’y para kang nagpepenetensiya. Batid mong may ibang mahal ang lalaking iyan pero pinababayaan mong gawin sa iyo ang mga dati niyang ginagawa noong kayo pa.

My dear, magpakatalino ka. Huwag puro emosyon ang pairalin mo. Mandaraya ang puso kaya’t gamitin mo ang talinong bigay sa iyo ng Diyos.

Iwasan mo na siya dahil habang nagkakalapit kayo, nag-iinit lang kapwa ang inyong mga damdamin. Hindi pag-ibig ang nadarama niya sa iyo kundi pagnanasa lang.

Dr. Love

vuukle comment

CONFUSED GIRL

DEAR CONFUSED GIRL

DR. LOVE

I LOVE YOU

KAMI

MR. V

NIYA

PERO

RIN

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with