Gising Cynthia!
January 2, 2005 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Hi! Im Cynthia. Hope you could help me with my problem.
May live-in partner akosi Billy, 36 years-old. Halos 14 years na siyang nagtatrabaho dito sa Maynila. Unang pagsasama pa lang namin ay halos P500 lang ang natitira sa suweldo niya. Umutang kasi siya na ginamit ng kapatid niya nang mangibang-bansa ito. Bukod pa rito ay nagpapadala rin siya ng pera buwan-buwan sa iba pa niyang mga kapatid na nag-aaral sa probinsiya.
Dalawang taon na kaming nagsasama ay ganoon pa rin ang sistema. Nagtitipid kami at wala kaming anumang appliances para lang makapagpadala siya ng pera. Minsan ay nagre-react ako pero ikinagagalit niya ito. Dapat ko raw siyang unawain at huwag daw akong gumaya sa mga babaing nang-iwan sa kanya dahil sa kanyang kakuriputan.
Dr. Love, naiinggit ako sa mga katrabaho niyang may mga sariling bahay na at di-tulad namin na nangungupahan pa rin hanggang ngayon. Bayani ba ang live-in partner ko o bayaning tanga? Wala ba siyang balak umasenso? Paano na ang magiging future namin? Kailan po ba naging obligasyon ng isang anak na tumulong sa mga kapatid niya at kailan ba dapat sabihing tama na?
Truly yours,
Cynthia
Dear Cynthia,
Ang malaki mong problema ay hindi ang kakulangan ng pera kundi ang iyong pagiging live-in partner sa nakalipas na dalawang taon. Bakit? Kasal ba siya sa iba? Kung hindiy bakit nananatiling ilegal ang inyong pagsasama?
Kahit super-yaman ang kinakasama mo, ikaw pa rin ang kawawa. Kung ipasya niyang iwanan ka, wala kang habol. Kawawa lalo ang magiging anak ninyo na magiging illegitimate. Kaya mag-isip isip ka.
Kung payag kang maging kerida habambuhay ay talagang tanga ka. Huwag kang magagalit pero gusto lamang kitang matauhan.
Ang pagtulong naman sa kaanak ay hindi masama kung ang tumutulong ay hindi nagkukulang sa pansariling pangangailangan.
Paano kayo nabubuhay sa P500 na kinikita niya? Aba, kabit ka na, gutom ka pa. Gumising ka, Cynthia!
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended