Magpakatotoo ka

Dear Dr. Love,

Isa po ako sa masusugid na tagapagsubaybay ng inyong column.

Tawagin na lamang po ninyo akong James, 20 years-old and a student here in Tanjay City, Negros Oriental. Ako po ay isang 4th year Accountancy student.

Kakaiba po ang aking istorya sa buhay dahil sa pag-ibig na aking nadarama. Hindi ko mapigilan kahit na ako ay isang "bakla" sa totoo lang. Kahit anong pilit ko na sabihing ako ay isang tunay na lalaki ay hindi talaga magkatotoo.

Nagkaroon po ako ng crush na babae pero bakit ba parati na lang niya akong dinededma? Ilang taon na po akong may crush sa kanya pero nahihiya po akong lapitan siya.

Ngayon po ay nag-aaral na siya sa paaralan na aking pinapasukan. Mayroon na pong lumalapit sa kanya na mga lalaki dahil siya po ay maganda. Isa sa mga umaaligid sa kanya ay ang aking guro.

Karamihan po ng aking mga kaklase ay tinutukso ako na "double blade" o "silahis." Ano po ang aking gagawin upang ako ay mabago? Sa buong buhay ko, ito na talaga ang aking problema. Sana po ay mailathala ang aking sulat.

Thank you very much and more power. Star Ngayon is really great!

James


Dear James,


Wala kang dapat na baguhin sa sarili mo bagkus ay ilabas mo kung ano ka talaga. In short, magpakatotoo ka sa tunay mong gender.

Tinatanggap na ngayon ang third sex sa ating lipunan so what gives? Kung ang pinoproblema mo ay ang iyong pamilya, ipaliwanag mo sa kanila ang lahat at sa palagay ko ay mauunawaan ka naman nila kaysa habambuhay kang magkunwari at pagsisihan ang bagay na ito sa bandang huli.

Sa palagay ko, kaya ka dinededma ng type mong babae ay baka alam niya ang tunay mong kasarian. Hayaan mo na lang ito and continue with your life. Excel in your studies and thank you for patronizing our paper.

Dr. Love

Show comments