Miss na niya si John
August 28, 2004 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Just call me Angel, 18 years-old this November and a student from Caloocan City.
Last July 14 nang makilala ko si John sa chat. He is 21 years-old and a third year Nursing student. Tumagal ng tatlong oras ang pag-uusap namin. Mukha naman siyang mabait so I gave our landline to him. After two days, tumawag siya sa akin. After that, naging madalas na ang pag-uusap namin.
Kung minsan nga ay umaabot kami ng ala-1:00 ng madaling-araw sa pag-uusap. Dahil sa dalas ng pag-uusap namin, nahulog ang loob namin sa isat isa until one day ay naging kami na nga. Sobrang sweet niya at inaamin ko na sa dami ng mga nakausap ko sa phone ay sa kanya lang ako na-inlove.
Finally, dumating ang araw na magkikita kami. Okey naman ang naging pagkikita namin. Hinawakan niya ang kamay ko para raw mawala ang hiya ko. Hindi po ako nagkamali. Hes nice and a gentleman. Kumain kami at nag-usap. Hindi ko ma-express ang happiness ko. Then he kissed me. Nabigla ako pero okey lang kasi sinabi naman niya iyun sa akin nung mag-usap kami sa phone.
After nun, nag-aya na akong umuwi. Hinatid niya ako sa may sakayan pauwi sa amin. Pagdating ko ng bahay, tumawag siya para malaman kung nakauwi ako nang maayos. Sa pag-uusap namin, hindi ko sinasadyang naibaba ang phone. After nun, hindi na siya tumawag pa. Labis akong nalungkot. Every night, I cry at sobra ko siyang nami-miss na hindi ko naramdaman sa ibang past relationships ko.
Nagpadala ako sa kanya ng dalawang e-mail pero hindi siya sumasagot. Sana po ay matulungan ninyo ako. Sana ay mai-publish ninyo ang letter ko for John.
"John, kung mabasa mo man ito, Im sorry kung anuman ang nagawa ko sa iyo. Gusto kitang makausap at makitang muli. Sorry and please forgive me. Sana ay tumawag ka ulit sa akin para ma-explain ko sa iyo ang lahat. God knows how much I love you and I need you. Sobrang miss na kita. Thanks a lot at sana ay ingatan mo ang Angel na ibinigay ko sa iyo. I miss you and I love you."-Angel
Dr. Love, sana ay magkaroon ako ng mga kaibigan thru your column. Thanks and more power.
Angel
[email protected]
Dear Angel,
Sa palagay ko ay napakababaw naman ni John na naibaba mo lang ang phone accidentally ay hindi na siya tumawag sa iyo at hindi rin sumasagot sa iyong e-mail. That really puzzles me. Baka may iba siyang mga dahilan for not communicating to you anymore.
Anyways, sana ay mabasa niya ang sulat mo which I decided to print in full. At sana ay muling mabuksan ang linya ng komunikasyon sa inyong dalawa.
Inilagay ko rin ang e-mail address mo para sa ibang readers natin na gustong makipagkaibigan sa iyo. Pero sana ay maging maingat ka sa pakikipagkaibigan thru the net dahil minsan ay may mga taong salbahe at hindi pakikipagkaibigan ang layunin kundi ibang bagay. I think you know what I mean.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended