Tukso layuan mo ako
July 9, 2004 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Tawagin na lamang ninyo akong Emma, 28 taong-gulang. Ako po ay may anak sa una kong asawa. Sa ngayon po ay hiwalay na kami at ang bata ay walong taong-gulang na.
May bago na po akong asawa at kasal ako sa kanya. Hindi naman po niya ako pinababayaan lamang ay bakit sa tuwing suweldo niya ay nauubos agad ang pera niya at kapag tinatanong ko siya ukol dito ay hindi siya umiimik. Isang taon na po kaming kasal pero wala pa rin kaming anak.
May problema po ako sa amo kong lalaki. May gusto ito sa akin pero may asawa na siya at mga anak at ako naman ay ganoon din. Ang sabi niya ay mahal na mahal daw niya ako pero wala akong pagmamahal sa kanya dahil siya ay ninong ko sa kasal.
Iniiwasan ko siya pero sunod siya nang sunod. Ano po ang dapat kong gawin? Ayaw naman akong paalisin ng amo kong babae na ninang ko dahil wala naman daw dahilan para umalis ako sa kanila.
Bukod sa kanya, may isa pang nanliligaw sa akin na may asawa rin at anak. Ang sabi niya ay hihiwalayan daw niya ang asawa niya at ako ang pakikisamahan niya.
Hindi ko kayang hiwalayan ang asawa ko dahil mahal na mahal ko siya. Hihintayin daw niya ako at ako raw ang pakakasalan niya dahil hindi naman daw sila kasal ng asawa niya.
Nalilito po ako kung ano ang dapat kong gawin. Sana ay matulungan ninyo ako. Emma
Dear Emma,
Lapitin ka ng tukso. Dapat mong ipagtapat iyan sa iyong asawa. Kung puwede lamang, huwag ka nang mamasukan dahil diyan ka sinusundan ng mga lalaking gustong makaisa sa iyo.
Dapat siguroy magsikap nang husto ang mister mo para hindi na kulangin ang pera ninyo at hindi ka na kailangang mamasukan pa.
Kung may kaunti kang pera, puwede ka ring magbukas ng maliit na tindahan para sa bahay ka na lang at makaiwas sa tukso.
Dr. love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended