^

Dr. Love

Kapusukan

-


Dear Dr. Love,


Hello po sa lahat ng readers ng PSN. I’m one of your avid readers kasi hanga po ako sa lawak ng inyong mga payo.

Katulad po ng iba, malas po ako pagdating sa pag-ibig.

Just call me Cha, 18 years-old. Wala po akong boyfriend ngayon. Pero ang problema ko po ay ang dati kong boyfriend.

Mahal na mahal ko po siya at siya ang first love ko. I’m only 16 years-old nang mahalin siya. The day na naging kami, may nangyari na agad sa amin. Five months lang kaming naging mag-on at ngayon po ay may iba na siyang girlfriend

Pero sa kabila nito, nagkikita pa rin kami at pumapayag pa rin ako sa lahat ng gustuhin niya dahil hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya.

Ano po ba ang dapat kong gawin para matutunan niya akong mahalin? Hindi ko po siya kayang iwasan. Hirap na hirap na po ako sa sitwasyon ko at minsan ay idinadalangin ko na mamatay na sana yung babaeng minahal niya para sa akin na niya ituon ang atensiyon niya.

Lubos ko pong aasahan ang payo ninyo sa akin. Marami pong salamat. Cha


Dear Cha,


Ang nangyayari sa inyo ng iyong ex-boyfriend ay dala ng kapusukan ng mga kabataan.

Nais kitang balaan na baka magbunga ang inyong pagtatalik na lalong magdudulot ng malaking problema lalo na sa iyong parte.

Dapat mong isipin na may girlfriend na siyang iba at sa tingin ko’y ginagawa ka lang niyang past time o parausan.

Hindi ko tiyak kung susunod ka sa akin pero dapat mong putulin ang pakikipagniig sa kanya.

Kung kaya ninyong dalawa, maging magkaibigan na lamang kayo muna at ipaubaya sa panahon ang pagpapasya kung kayo nga ay para sa isa’t isa. Kung hindi, iwasan mo lang siya at ituon ang atensiyon sa pag-aaral.

Dr. Love

ANO

DAPAT

DEAR CHA

DR. LOVE

HIRAP

KATULAD

LUBOS

MARAMI

PERO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with