Mahirap lumimot

Dear Dr. Love,

Nais ko po sanang ibahagi sa inyo ang aking karanasan sa pag-ibig.

Second year high school pa lamang ako nang ma-inlove ako kay Jeff. Pero nasaktan ako dahil sobra ang pagiging playboy niya.

Minahal ko siya nang tapat pero hindi nag-work out ang relationship namin.

Nais ko lamang humingi ng payo sa inyo kung paano ko siya malilimutan para maibsan ang lubos na kalungkutan na nararanasan ko dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya.

Sa ngayon po ay nasa first year college na ako pero si Jeff pa rin ang nasa isip ko at nilalaman ng puso ko.

Tama po bang mahalin ko pa rin siya hanggang ngayon?Lubos na gumagalang,

Lovely


Dear Lovely,


Sa mga kabiguang dinanas mo, may karapatan kang lumigaya. Liligaya ka kung gusto mo. Pero hangga’t hindi ka tumatalikod sa multo ng iyong nakaraan, hindi ka makakatagpo ng ligaya.

Mahirap at masakit man, limutin mo ang iyong playboy na boyfriend na puro sama ng loob ang idinulot sa iyo. Huwag mong bulagin ang sarili mo sa ibang pag-ibig na naririyan lang at naghihintay.

Dr. Love

Show comments