Dalawa sila sa buhay ko

Dear Dr. Love,

Magandang araw po sa inyo at sa lahat ng sumusubaybay ng inyong column. Isa po ako sa mga tagasubaybay ng inyong column. Tawagin na lamang ninyo akong Mr. Virgo ng Hong Kong.

Ako po ay isang tomboy at nagmamahal sa kapwa ko babae. Ang problema ko po ay dalawang babae ang minamahal ko.

Ang isa ay may asawa't anak na pero hindi sila hiwalay ng mister niya. Ang ikalawa naman ay may anak na babae pero hiwalay sa asawa.

Dr. Love, nalilito po ako kung sino sa dalawa ang pipiliin ko. Sana ay matindihan mo ako sa aking kalagayan. Marami pong salamat.Lubos na gumagalang,

Mr. Virgo ng Hong Kong


Dear Mr. Virgo ng Hong Kong,


Alam kong mahirap ang katayuan mo. Pero harapin mo ang katotohanan na kahit 'lalaki' ang iyong damdamin, babae ka pa rin sa pisikal na katayuan.

At lalong komplikado ang problema mo dahil ang isa sa mga minamahal mo'y may asawa't anak. Huwag mong hayaang ikaw pa ang maging daan ng pagkawak ng isang pamilya.

Kung minsan, kahit gaano katindi ang ating pag-ibig, dapat tayong magsakripisyo alang-alang sa ating minamahal.

Maaaring maligaya ka kapag kapiling mo sinoman sa dalawang mahal mo pero iya'y panandalian lang. Isipin mo ang pinsalang puwedeng ibunga ng ganyang relasyon. Kung tunay ang pagmamahal mo sa kanila, hindi mo hahayaang mawasak ang kinabukasan nila.

Dr. Love

Show comments