Virgin pa po ako
January 17, 2004 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Tawagin na lamang po ninyo akong Ms. Lonely Girl, 23 years-old. Taga-probinsya po ako pero sa ngayon ay naririto ako sa Metro Manila para magtrabaho at malimutan ang malulungkot na pangyayari sa aking buhay.
Ulila na po ako sa ama at ang Nanay ko naman ay nag-asawa na ng iba. Mula nang maliit ako, hindi ko na nakita ang aking ama dahil nga sumakabilang-buhay na siya.
Ang problema ko po ay ang pagiging walang suwerte ko sa aking mga naging kasintahan.
Noong nasa lalawigan pa ako, mayroon akong naging boyfriend subalit ang kaso, nang magpunta ako dito sa Maynila para magtrabaho ay nabalitaan kong nag-asawa na siya sa iba.
Nagkaroon pa ako ng ibang kasintahan. Ang pangalawa ay mayroong girlfriend pero tinanggap ko pa rin siya. Kaso ay umalis din siya at iniwan ako. Sa ikatlong pagkakataon, nagkaroon ulit ako ng nobyo subalit nagkasira kami dahil naman sa paninira ng iba. Naniwala siya sa tsismis na hindi na ako virgin at marami na ang lalaking nakagalaw sa akin.
Pati mga kasamahan ko sa bahay ay sinisiraan ako. Pero ang mga ibinibintang nila ay walang katotohanan. Takot ako sa Diyos at lagi akong nagdarasal.
Hindi ko na nga po pinapansin ang mga tsismis sa akin. Dahil dito, takot na akong makipagnobyo sa pangambang baka masaktan na naman ako.
Ang damdam ko, puro kamalasan ang dumarating sa buhay ko. Mahirap na nga ang buhay ko, hindi na nga ako nakaabot sa mataas na antas ng pag-aaral ay wala pa akong suwerte sa nobyo.
Wala na po bang darating na suwerte sa buhay ko?
Miss Lonely Girl
Dear Miss Lonely Girl,
Masusi kong binasa ang problema mo at ganap ko itong nauunawaan.
Huwag mo nang pansinin ang mga paninira sa iyo. Kung ano ang katotohanan, iyon naman ang lilitaw sa dakong huli.
Huwag mo ring ikasama ng loob ang mga kasawiang dinanas mo sa iyong mga naging boyfriend na hindi naging tapat sa iyo.
Mga pagsubok lang iyan sa buhay na kung malalampasan mo nang mahusay ay bibihisan na ng tuwa at kaligayahan sa mga susunod na panahon.
Dagdagan mo pa ang pananalangin mo at tiwala sa Maykapal at tatagan mo ang iyong damdamin. Hindi ka Niya pababayaan.
Huwag mo na ring ipagsabi pa sa iba na virgin ka pa dahil hindi naman ito importante sa ngayon. Dahil nga nakatatlo ka ng nobyo, ang akala ng marami ay lanta ka nang bulaklak.
Ang makapagpapatotoo niyan ay ang lalaking magpapakasal sa iyo at tatanggapin ka bilang ikaw.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended