Sino sa kanila ang pipiliin ko?
January 8, 2004 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Good day po sa inyong lahat diyan sa PSN!
Tawagin na lamang ninyo akong Miss Capricorn ng Mamburao, Occidental Mindoro. Isa po ako sa masusugid na tagasubaybay ng inyong column.
Gusto ko pong humingi ng payo sa inyo dahil lahat ng mga kaibigan ko at kapatid ay iisa ang payo sa akin.
Sabihin na po nating ako ay two-timer dahil dalawa ang boyfriend ko-sina Ronald at Nante. Pareho ko po silang mahal kaya naguguluhan ako sa sitwasyon ko ngayon.
Pero mas kilala po ng mga magulang ko si Ronald kaya ito ang gusto nila.
Ano po ang gagawin ko? Naguguluhan po ako kung sino talaga ang pipiliin ko. Aasahan ko po ang inyong tugon sa madaling panahon.
Hanggang dito na lang po at sana ay marami pa kayong matulungan sa mga problemang inilalapit nila sa inyo.Lubos na gumagalang,
Miss Capricorn
Dear Miss Capricorn,
Kung mayroon kang itinakdang pamantayan sa pagpili ng mamahalin, mas madaling pumili kung sino sa kanilang dalawa ang tuluyan mong mamahalin.
Pero ang maipapayo ko sa iyo, sa pagpili ng mamahalin, hindi kailangang puso lang ang gagamitin kundi gamitin mo rin ang iyong isip.
Sa panahong ito, bagaman hindi ko ipinapayo na maging materialistic ka, kailangan ding maging praktikal ang isang babae. Hindi kailangang pisikal na kaanyuan lamang ang pagbatayan sa pagpili ng boyfriend kundi isang lalaking makapagbibigay sa iyo ng katapatan at maayos na pamumuhay. Sa madaling sabi, kailangang may iwi siyang katatagang makapagdala ng pamilya.
Hindi kailangang maging mayaman ang isang lalaki kundi kailangang responsable siya at mayroong hanapbuhay.
Kailangan ding makaagapay siya sa iyong mga katangian. Halimbawa, kung may iwi kang talino, dapat ay marunong siyang umagapay sa kakayahan mo.
Dapat ay compatible kayo. Ngayon, usisain mo ang iyong sarili kung sino sa kanila ang makakatugon sa pamantayang ito.
Hindi rin mabuting ang pipiliin mo ay ang gusto ng mga magulang at kaibigan mo. Dapat ay yung sarili mong kagustuhan.
Bakit kaya hindi mo daanin sa pagsubok sina Ronald at Nante? Mas madali mong maaarok ang kanilang damdamin kung makakapasa sila sa pagsubok na ito.
Sana ay mapili mo ang lalaking tama sa iyo at mamahalin ka nang lubos hanggang magpakailanman.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended