Umiibig sa textmate
December 19, 2003 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Tawagin na lamang po ninyo akong April, 22 years-old at nagtatrabaho sa isang private hospital. Mayroon po akong textmate na taga-Batangas City na tawagin nating Cedric.
Naging textmate kami noong Mayo at umabot ito ng limang buwan. Siya ang unang nakipagkilala sa akin. Tinanggap ko ang friendship niya at di ako naglihim ukol sa aking pagkatao. Halos araw-araw akong nakakatanggap ng sweet messages galing sa kanya.
Natutunan ko na siyang mahalin, Dr. Love, kahit na di pa kami nagkikita. Imposible rin siguro na magkita kami dahil malayo kami sa isat isa. Boyfriend ko na siya ngayon thru text. Hindi ko inasahan na hahantong kami sa ganito.
Mahal na mahal ko po siya. Pero hindi ko alam kung seryoso siya sa akin o pinaglalaruan lang niya ako. Minsan ay gusto ko nang sabihin sa kanya na tapusin na namin ito pero hindi ko magawa. Ako po ang nahihirapan.
Minsan, ginawa kong hindi mag-reply sa mga text niya pero di ko rin siya natiis. Pinagsabihan ko na rin siya na maghanap na lang ng iba pero ayaw niya. Nagkamali ko dahil sineryoso ko siya at ngayon ay ako ang nahihirapan. Hindi ko ito masabi sa aking mga pinsan at baka pagtawanan nila ako. Hiyang-hiya po ako sa sarili ko, Dr. Love. Baka isipin ng iba ay tanga ako at nagmahal sa taong di ko kakilala.
Naguguluhan po ako, Dr. Love. Sana ay mapayuhan ninyo ako.
April
Dear April,
Maaaring nahulog lang ang loob mo sa iyong textmate dahil sa matatamis niyang salita. Pero may paraan para makumpirma kung talagang mahal mo siya o siya bay karapat-dapat ibigin.
Magkita kayo nang personal. Pero dapat ay may kasama kang chaperon kapag kinatagpo mo siya.
Bago ka umibig sa isang tao, dapat kilalanin mo siyang mabuti. Paano kung isa lang siya sa napakaraming lalaking mapagsamantala, e di ikaw ang talo? Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended