Huwag pumatol sa may asawa

Dear Dr. Love,

Hi, I’m Love, 18 yrs. old. I have a love problem and I hope that you can give me an advice.

Merong akong bf, were live-in, almost 3 years na kami, in that span of time I knew who he really is, ok naman lahat sa kanya kaso meron siyang isang ugali na ayaw ko ’yun lang nga hindi siya seloso, he’s vey understanding.

Para kasing napapamahal na ako sa kanya, nararamdaman ko rin na may feelings siya sa akin, kaso nanghihinayang ako sa relationship namin ng bf ko sayang naman kasi lahat ng ipinaglaban namin mauuwi lang sa wala. Pero para kasing di na ako masaya sa amin. Mas comfortable ako ngayon pag kasama ko ’yung guy. Ang problema lang nga doon sa guy e may 3 anak siya, di lang yun ang pinakamabigat, hindi pa sila legally hiwalay ng wie niya. Dr. Love, what shall I do? Love


Dear Love,


Hindi problema ang pagiging seloso ng boyfriend mo. Natural lang ’yan dahil kapwa kayo bata pa.

Yung isang guy ang problema dahi may pananagutan na sa buhay. Iwasan mo siya.

Huwag mong sayangin ang 3-taong relasyon n’yo ng iyong boyfriend.

Kung kayo’y para sa isa’t isa, panahon lang ang makapagsasabi.

At kung kayo’y magkahiwalay, huwag kang papatol sa may asawa.

Dr. Love

Show comments