Hiram na ligaya
November 6, 2003 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Tawagin na lang po ninyo akong Miriam. Ako poy 32 years old, may isang anak pero walang asawa.
Ang dahilan po, ang ama ng aking 2 taong gulang na anak ay may pananagutan na sa buhay. Noong una, hindi ko alam na may asawa na si Perto. Pero nang hilingin kong pakasalan niya ako nang magdalang-tao na ako, noon niya ipinagtapat na hindi niya ako puwedeng pakasalan.
Naisilang ko po ang anak ko sa pagkakasala at hanggang nang mag-isang taong gulang na siya, suportado pa ni Perto ang lahat naming pangangailangan. Natigil lang po ito nang mabisto siya ng kanyang asawa na ibinabahay niya ako.
Dito na po nagsimula ang hindi na niya pagsipot sa amin nang malimit. Kung mabigyan niya kami ng suportang pinansiyal, paminsan-minsan na lang.
Hindi ko naman po siya mapuwersang hiwalayan na ang kanyang asawa para ako na ang pakisamahan. Alam ko ang magiging kasagutan niya.
Ngayon pa lang, alam kong naging hiram lang ang aking naging kaligayahan at sa malaon at madali, magsosolo na lang ako sa pagsalunga sa buhay.
Naghahanap na rin po ako ng trabaho sa ngayon.
Kailangan ko pa po bang sapilitan siyang magbigay ng buwanang suporta sa kanyang anak?
Hintayin ko po ang inyong payo.
Sally
Dear Sally,
Talagang sa relasyong may asawa at isang dalaga, ang dalaga ang palaging nalulugi tulad nga ng kaso mo.
Huli na para magsisihan kung sino ang dapat na sisihin sa pangyayaring ito. Naloko ka na ng lalaking inakala mong binata at puwedeng managot sa naging bunga ng inyong kapusukan.
Kailangang ipabatid mo sa ama ng iyong anak na kailangan mo ang suporta niya para sa bata. Kung hindi niya kaya ito, ipamata mo sa kanya na ang aregluhang ito ay hanggang wala ka pang matinong trabaho para masuportahan ang pangangailangan ninyong mag-ina.
Hindi mo kailangang awayin siya para obligahin sa kanyang pananagutan sa anak mo. Kailangan mo ang diplomasya at tulong na legal.
Makabubuting putulin mo na rin ang pakikipagmabutihan mo sa lalaking ito na may pananagutan na sa buhay. Wala itong idudulot na mabuti para sa iyo at baka maragdagan pa ang anak mo.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended