Na-inlove sa may asawa

Dear Dr. Love,

I’m one of your avid readers. Everyday, I buy PSN just to read your column. Pero hindi ko akalain na isang araw ay susulat din ako sa inyo.

Just call me Crazy Girl of Quezon Province, 24 years-old, may asawa at dalawang anak. Ang asawa ko po ay nagtatrabaho sa Maynila at naiwan po kami dito. Ganito ang sitwasyon namin for the past two years.

Ang problema po ay na-inlove ako sa isang married man. Just call him Lover Boy.

Noon pong una ay lihim lang ang relasyon namin pero hindi nagtagal ay nalaman din ng mga taong nasa paligid namin ang tungkol sa amin. Almost six months din po kaming nagmahalan.

Hanggang unti-unti na siyang lumayo sa akin sa kabila ng mga salita niyang mahal niya ako.

Sa totoo lang, Dr. Love, mas mahal ko siya kaysa sa asawa ko. Hindi ko alam kung bakit. Gabi-gabi ay iniiyakan ko ang paglayo niya.

Please, sana ay tulungan mo ako sa dapat kong gawin.

Crazy Girl


Dear Crazy Girl,


Magpasalamat ka at siya na ang lumayo sa iyo. Hindi mo ito dapat na iyakan. Siguro ay naisip niyang mali ang inyong ginagawa. You should be thankful at hindi ganap na nawasak ang pamilya mo at ang pamilya niya.

Paano mo naman nasabing mas mahal mo siya kaysa sa iyong asawa? Napaka-unfair mo sa iyong mister na kumakayod para lang kayo ay buhayin.

Siguro ay nami-miss mo lang ang iyong mister at ang pagkawala niya ay napunan ni Lover Boy sa sandaling panahon na nagkaroon kayo ng relasyon.

Well, nakaraan na iyon at ibaon mo na lang sa limot ang lahat. Start a new life. Be faithful dahil baka makarma ka pagdating ng araw.

Dr. Love

Show comments