Gustong makipagbalikan
August 26, 2003 | 12:00am
Dear Dr. Love,
More than anything else, I want to greet you a nice day.
Isa po ako sa libu-libong mambabasa ng column ninyo at hindi ko akalain na isang araw, ako rin ay liliham sa pitak na ito para humingi ng payo sa problema ko sa pag-ibig.
Ako po si Mr. Gemini, 20 years-old. May girlfriend po ako na tawagin nating si Ms. Scorpio.
Mag-aapat na buwan na sana kami pero nagkahiwalay kami noong Agosto nang nakaraang taon. Ang problema ko, parang masa ako nang magkalas kami ng relasyon pero kapag naaalala ko siya ay parang ayaw ko siyang hiwalayan kasi nasa isipan ko siya palagi.
Noong gabing magkahiwalay kami, kinabukasan ay parang nanghihinayang daw siya at may nakapagsabi sa akin na gusto niya akong makausap para kami magkabati.
Aaminin ko po na mahal ko pa rin siya pero ako mismo ang unang gumawa ng hakbang para kami ay magkalas ng relasyon.
Ano po ang gagawin ko? Dapat pa ba akong makipagbalikan sa kanya? Sana ay mapayuhan ninyo ako.Gumagalang,
Mr. Gemini
Dear Mr. Gemini,
Una sa lahat, hindi masyadong malinaw kung ano ba ang naging dahilan para makipagkalas ka ng relasyon sa girlfriend mo. Malaki ba ang problema o maliit lang?
Maaaring naging padalos-dalos ka ng paghatol o kayay maaaring selos ang dahilan ng sigalot ninyo.
Sa isang relasyon, mahalaga ang komunikasyon at pang-unawa sa isat isa. Kung walang pag-uusap at hindi inuunawa ang panig ng isa, karaniwang nauuwi sa pagkakalas ng relasyon na sa dakong huli ay panghihinayangan.
Tutal ikaw naman ang nakipagkalas sa girlfriend mo, siguro naman ay hindi masamang ikaw ang unang gumawa ng daan para magkausap kayo. Nagpasabi na ang babae na gusto niyang magkausap kayo. Bakit hindi mo siya pagbigyan?
Maliit lang siguro ang problema na dahilan ng pagkakalas ninyo ng relasyon. Liwanagin ninyo sa isat isa ang problema at maaayos iyan.
Goodluck at sana ay magkaunawaan kayong dalawa.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended