Hi! Hope you are in good health.
Im one of your avid readers at hindi ko akalain na susulat din ako sa inyo pagdating ng araw. Pero nandito ako at humihingi ng payo sa inyo.
Just call me Ms. Heartache, 18 years-old. Marami na po akong minahal ngunit isa man sa kanila ay walang tumugon sa damdaming ibinigay ko sa kanila.
May isang lalaking natatangi sa puso ko, si Vhernon Caldona. Almost three years ko po siyang iningatan here in my heart pero hindi ko alam kung hanggang titigan na lamang kami. Hindi ko mabasa ang kanyang saloobin at hindi ko rin alam kung may gusto siyang sabihin sa tuwing magtatama ang aming paningin.
Marami po ang nanligw sa akin pero bigla silang naglalaho kapag natututunan ko na silang mahalin. Lagi na lamang pong ganito. Nasasaktan ako at nagpaparaya.
Hindi naman po ako mapili. Balewala sa akin kung sino siya at kung ano ang nakaraan niya basta ang mahalaga ay mahalin lamang niya ako. Hindi naman po ako mahirap mahalin.
Nais ko pong magkaroon ng mga kaibigan sa panulat. Baka sakaling isa sa kanila ang tunay na magmamahal sa akin.
Salamat po at sana ay marami pa kayong matulungan na kagaya ko.
Ms. Heartache
Dear Ms. Heartache,
Huwag mong madaliin ang pag-ibig. Bata ka pa at ang bigyan mo ng higit na priority ang iyong pag-aaral. Marami ka pang matatagpuan na mga lalaki at isang araw, makikilala mo ang karapat-dapat sa iyo.
Mag-ingat ka sa iyong pakikipag-penpal dahil baka samantalahin din nila ang iyong kabaitan. Be wise sa pakikipagkilala sa mga guys.
Sana nga ay matagpuan mo na ang lalaki para sa iyo. Sa mga nais sumulat kay Ms. Heartache, ang kanyang address ay 1579 Pablo st., Villa Alfonso, Bambang, Pasig City (Kristine Moredo).
Dr. Love