^

Dr. Love

Walang sisihan

-
Dear Dr. Love,

Isa po ako sa masugid na tagasubaybay ng inyong column. Para sa ikatataba ng inyong puso, tunay pong malaki ang nagagawang tulong ng inyong column sa marami nating kababayan lalo na sa tulad kong may problema sa puso.

Nilakasan ko po ang aking loob na sumulat sa inyo para ihingi ng payo ang suliranin ko dahil tutol ang aking mga magulang sa aking boyfriend.

May isang taon na po kaming mag-on ni Sammy pero parang nanlalamig na ang aking damdamin sa kanya sa pangambang magkatotoo ang sinasabi ng aking parents na isa siyang walang kuwentang lalaki at paglalaruan lang niya ako.

Kilala po kasi ang pamilya nila na babaero at parang may kutob nga akong tila nanghihinawa na siya sa akin.

Tunay na ipinaglaban ko sa aking pamilya ang relasyon namin ni Sammy at alam niya ito.

Noon ay sinasabi niya sa akin na wala akong pagsisisihan sa pagsuporta ko sa kanya at sa aming pag-iibigan.

Pero tila nagbago na nga siya tulad ng hula ng parents ko.

Sana po ay mabigyan ninyo ako ng payo.

Mahal ko si Sammy pero umiiral din ang pangamba ko na pababayaan na lang ako ng aking pamilya sa sandaling magsawa na sa akin ang boyfriend ko.

Kalasan ko na kaya si Sammy?

Doreena


Dear Doreena,


Ang desisyon mo ay nasalig sa kung ano ang alam mong makabubuti sa iyo at sa katahimikan ng pamilya mo.

Gustuhin mo mang patunayan sa mga magulang mo na iba si Sammy kaysa gusto nilang ilarawan nila sa kanya, kailangan mong tanggapin ang katotohanan kung ano talaga siya.

Maaaring naging isang malaking hamon para sa iyo na suwayin ang kagustuhan ng pamilya mo para lang mapatunayang mabuting tao si Sammy.

Pero ngayong ikaw na mismo ang nakakaramdam na maaaring totoo ang babala sa iyo ng miyembro ng pamilya mo, kailangang pagpasyahan mo ang isyu nang naaayon sa sarili mong damdamin.

Kung minsan, hindi maganda ang panghihimasok ng pamilya sa pagpili ng boyfriend ng kanilang miyembro.

Pero kung minsan, isinusuko ang katigasan ng ulo kung may basehan naman ang pagtutol na ito ng mga magulang. Personal mong alamin kung bakit nanlalamig na sa iyo si Sammy. Mayroon na ba siyang ibang babae?

Good luck to you at sana ay matagpuan mo ang katotohanan.

Dr. Love

vuukle comment

AKING

DEAR DOREENA

DOREENA

DR. LOVE

GUSTUHIN

ISA

KALASAN

PAMILYA

PERO

SAMMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with