Halik at hipo, natural lang ba sa relasyon?

Dear Dr. Love,

Hi! Good day po sa inyo. Tawagin na lamang ninyo akong Ms. Taurus, 18 years-old.

Ang problema ko po ay ang aking boyfriend. Naguguluhan po ako sa aming relasyon. Walong buwan na kaming hindi nagkikita.

Kapag nagpapadala ako sa kanya ng text message, hindi niya kaagad sinasagot. At kapag ako ang nagpapadala, laging may i luv u. Siya, wala.

Kapag tinatanong ko naman siya kung mahal niya ako, oo naman ang sagot niya.

Dr. Love, kapag ang lalaki ba ay humahalik sa lips ng babae, nagpapahiwatig ba iyon ng pagmamahal? Kapag nanghihipo po ba ang bf ko sa akin, pahiwatig po ba iyon ng pambabastos? Natural lang po ba sa mag-boyfriend ang ganito?

Thank you very much for giving attention to this letter.


Lubos na gumagalang,
Ms. Taurus

Dear Ms. Taurus
,

Ang halik at hipo ay hindi talaga maiiwasan sa mga magkatipan lalo na kung nagsosolo sila. Bastos ito kung garapal at kung ginagawa sa publiko.

Natatangay kapwa ang babae at lalaki sa pre-marital sex kung lagi kayong magkasama. Para makaiwas sa ganitong sitwasyon, habang hindi pa kayo handang pakasal, hangga’t maaari ay umiwas sa intense kissing at petting.

Ang magalang na halik sa mga labi ay pagpapakita ng pagmamahal. Nasa usapan ninyong dalawa ang paraan para makaiwas sa isang sitwasyon na kapwa kayo makakalimot dahil sa simbuyo ng damdamin.

Kung matagal na kayong hindi nagkikita, baka nga may problema. Hindi kaya may iba na siyang nililigawan o kung hindi naman ay nagtatampo siya dahil hindi mo siya pinagbigyan sa nais niya?

Dr. Love

Show comments