^

Dr. Love

No pansin sa crush

-
Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Via, 16 years-old. Gusto ko pong payuhan ninyo ako sa problema ko sa crush ko.

Crush ko siya pero wala siyang gusto sa akin. Ang pangalan niya ay si "Imbet." Guwapo siya, masipag at mabait at talagang crush na crush ko siya.

Sa kanya ko lang nakita ang hinahanap ko sa isang lalaki.

Kaya lang ay hindi naman niya aka pinapansin. Tapos ay nabalitaan ko na lang na umalis na siya sa ninang niya. Nasaktan ako sa pangyayaring ito at hindi ko alam kung makikita ko pa siya.

Sana ay pagpayuhan ninyo ako. Paano kaya niya malalaman na crush ko siya?

Umaasa,

Via


Dear Via,


Lahat ng teenager ay dumaranas ng karanasan mo, babae man o lalaki. Ang crush ay lumilipas, kumukupas sa paglipas ng panahon. Kaya lang ay huwag mo itong seryosohin.

At gaano man ang pagkagusto mo sa lalaki kung hindi ka naman niya gusto, huwag mong igigiit ang sarili mo. Isipin mo na lang na marami ang nakahihigit sa kanya na makakatagpo mo at iibig sa iyo pagdating ng araw.

Dr. Love

vuukle comment

CRUSH

DEAR VIA

DR. LOVE

GUWAPO

IMBET

ISIPIN

KAYA

LAHAT

NASAKTAN

PAANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with