^

Dr. Love

Bulag, binigyan ng liwanag ni Hesus

-
May 63 taong-gulang na si lolo at isa siyang bulag. Kahit sa panaginip, hindi niya akalain na isang araw ay makakakita siya dahil bulag nga siya mula pa nang siya’y isilang. Pero sa Panginoong Hesus, kahit ano ang kalagayan mo o sino ka man, puwede ka niyang tulungan. Ito ang naging karanasan sa buhay ni lolo.

Isang pastor na taga-Manila ang pumunta sa Cagayan de Oro City dahil inanyayahan siyang magsalita ng kanyang pinsan sa naturang lugar. Ito’y isang evangelistic rally at ang mga dumalo sa okasyong iyon ay mga napariwara ang mga buhay–mga kabataan at matatandang lulong sa droga, alak, sugal, babae, sigarilyo at iba pang masasamang gawain.

Gaano man kasama ang tao kapag kumilos ang Banal na Espiritu sa kanyang puso ay talagang mababago siya. Ito ang nangyari ng gabing iyon. Mahigit 100 katao ang nagsisi sa kanilang mga kasalanan at personal nilang tinanggap si Hesus bilang sariling Tagapagligtas at Panginoon. Isa na rito ang pamangkin ng dating alkalde ng naturang lungsod. Siya ay nagtutulak ng shabu at iba pang droga, pero siya’y hinipo ng Diyos at binago ang kanyang buhay. Kasamang tumanggap si lolo.

Nang sabihin ng pastor na siya’y makakakita sa pangalan ni Hesus, bigla na lamang lumiwanag ang kanyang paligid. Nakita niya ang iba’t ibang kulay na suot ng mga dumalo sa pag-titipong iyon. Subalit hindi pa gaanong maliwanag ang kanyang paningin. Nang ilubog siya sa tubig bilang bautismo pagkatapos niyang tanggapin si Hesus, doon lamang nabuksan ang kanyang mga mata nang lubusan. Nagsisigaw siyang tumakbo sa pastor at sinabi niya sa pastor, "guwapo ka pala nonoy".

Ito ang himala na nagtulak sa mga tao na naroroon na totoo si Hesus na Panginoon at Tagapagligtas dahil binigyan Niya ng pananaw ang bulag na lolo. Kahit saan ka man naroon, ano man ang iyong kalagayan, kayang-kaya ng Panginoong Hesus na ikaw ay tulungan gaya ng lolong bulag.

(Kung nais ninyong makatanggap ng pagpapala, kagalingan, katugunan sa mga panalangin at anupaman, tumawag lamang sa 533-5171 at hanapin ang CLSF counselor.)

HESUS

KAHIT

NANG

ORO CITY

PANGINOON

PANGINOONG HESUS

SIYA

TAGAPAGLIGTAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with