Love ko si Noel

Dear Dr. Love,

Good day to you and God bless you pati na ang PSN staff.

Just call me Maricel, 19 years-old. Naisipan ko pong lumiham sa inyo para ipaabot sa aking minamahal ang mensaheng ito.

Nais kong pong sabihin kay Noel ng Simeon Ragay, Camarines na love na love ko siya. Nais ko ring humingi ng tawad sa kanya noong iniwan ko siya sa gitna ng sayawan noong Hunyo 12, 1997.

Nahihiya po kasi ako noong sumayaw. Hindi ko po ito masabi sa kanya nang personal. Sorry na rin kay Noel dahil palagi ko siyang iniindiyan kasi bata pa ako noon at takot pa ako sa mga guys.

Hindi ko po alam kung paano ko sasabihin ito sa kanya kaya sa pamamagitan ng inyong malaganap na column ay nais ko itong maipaabot sa kanya dahil nawalan kami ng komunikasyon.

Nagkaroon kami ng relasyon ni Noel pero pagkaraan ng Hunyo 1997, dahil sa naturang insidente, ay hindi ko alam kung nag-break na kami.

Dahil sa tagal na ng mga nagdaang araw, puwede na po ba akong humanap ng ibang boyfriend?

Lubos na gumagalang,

Maricel B.Tayo


Dear Maricel,


Pagkaraan ng apat na taon na wala na kayong komunikasyon sa isa’t isa, siguro naman ay nagkalabuan na ang relasyon ninyo.

Ang hindi niya pagpapahatid ng komunikasyon ay isang tanda na nagkaroon siya ng hinanakit sa iyo at maaaring sa ngayon ay mayroon na rin siyang ibang nobya o nililigawan.

Hindi na siya puwedeng maghinanakit pa sa iyo kung ikaw man ay tumanggap na ng ibang manliligaw dahil wala siyang ginawang pagsisikap para magkausap man lang kayo at makapagpaliwanag ka sa nangyari.

Maaaring ang hindi mo rin pagliham sa kanya para magpaliwanag ay naging palatandaan sa kanya na ayaw mo na sa kanya.

Kung mahal ka niya talaga, gagawa siya ng paraan para magkaroon kayo ng komunikasyon at dapat sana’y inunawa niya ang kalagayan mo, isang teenager na wala pang muwang sa relasyon.

Humanap ka na ng iba na higit mong mamahalin at mamahalin ka naman nang walang kondisyon at alinlangan.

Dr. Love

Show comments