^

Dr. Love

Nasa huli ang pagsisisi

-
Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Sam, 30, at isang single mother. Ang anak ko ay si Nicos. Naging mapusok ako sa pag-ibig dahil 22 years-old pa lang ako nang seryosohin ko si Marlon.

Masayahin akong tao, palangiti at palakuwento kaya naman ligawin ako o lapitin ng mga lalaki.

Totoo pala ang kasabihang nasa huli ang pagsisisi. Minahal ko si Marlon kahit tutol ang aking mga magulang at mga kapatid dahil marami itong bisyo tulad ng alak, sugal, sigarilyo at babae. Sabi nila, lolokohin lang ako nito. Pero ipinaglaban ko pa rin siya dahil mahal na mahal ko siya.

Nagbunga ang pagmamahalan namin. Nabuntis ako pero tumakas siya. Nalaman ko na umuwi siya sa Cebu. Walang araw at gabi na hindi ako umiiyak. Ngayon ay nagsisisi na ako dahil hindi ako nakinig sa aking mga magulang. Sa awa ng Diyos, mahal na mahal nila ang anak ko dahil ito ang unang apo.

Sa ngayon ay may nanliligaw sa akin pero hindi ko siya gusto. Isa pa ay natatakot na akong magkamali muli ng lalaking mamahalin.

Dr. Love, kahit na may takot sa puso ko, tulungan mo akong magkaroon ng maraming kaibigan sa panulat o sa text. Nawa sa pamamagitan ng column mo ay makatagpo ako ng mga kaibigang totoo ang laman ng puso. Sa ngayon ay may tindahan ako kasama ang anak ko pero hindi ako masaya. Parang may kulang sa buhay ko.

Nagpapasalamat,
Sam (0917-9372577)
Niugan, Cabuyao, Laguna


Dear Sam,


Mabuti at inamin mong nagkamali ka. Pero gaya nga ng sinabi mo, laging nasa huli ang pagsisisi.

Hindi man naging maganda ang karanasan mo sa lalaking una mong inibig, hindi ka dapat mawalan ng tiwala sa mga tao, lalo na sa mga lalaki.

Kung si Marlon ay naging makasarili, hindi naman lahat ay tulad niya ang pag-uugali.

Hindi mo dapat na iniiyakan si Marlon. Magpasalamat ka pa nga dahil maaga pa ay nakilala mo na ang tunay niyang ugali.

Ibuhos mo ang iyong pagmamahal sa iyong anak. Pagbutihin mo ang paghahanapbuhay at huwag mong kalimutang manalangin at ialay sa Panginoon ang sarili.

Sana ay maraming makabasa ng liham mo at sana ay makatagpo ka ng maraming kaibigan na magmamahal sa iyo at sa iyong anak at magpapabago ng pananaw mo sa buhay.

Cheer up. Masuwerte ka at mayroon kang maunawaing mga magulang.

Dr. Love

AKO

CABUYAO

CEBU

DAHIL

DEAR SAM

DR. LOVE

MARLON

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with