Bawal na pag-ibig

Dear Dr. Love,

A pleasant day to you. Isa po ako sa masugid na sumusubaybay ng inyong column.

Umiibig po ako sa isang may asawa na. Tawagin na lamang natin siyang Mr. Scorpio. Mahal na mahal ko po siya at ganoon din siya sa akin.

Siya po ang gumagawa ng paraan kung paano kami magkikita at makakapag-usap.

I am 19 years-old at nasa second year college. Eight months na po ang relasyon namin. Naguguluhan po ako kung dapat ko pa pong ituloy ang pakikipagrelasyon sa kanya.

Lihim na lihim ang relasyon namin pero natatakot ako kapag nabunyag ito.

Sana ay matulungan po ninyo ako.

Virgo ’69


Dear Virgo ’69,


Kahit saang anggulo silipin, mali ang pumatol sa may asawa.

Ilagay mo ang sarili mo sa lugar ng misis ng iyong lover. Masakit na mapagtaksilan. Kumbaga sa pelikula, ikaw ang home wreaker. Ikaw ang kontrabida.

At paano kung magkaanak kayo, eh di puro sila bastardo?

Huwag mong tingnan ang pang ngayon lamang. Tingnan mo ang ibubungang masama ng ganyang relasyon bukas.

Dr. Love

Show comments