Problem ni Ms. Virgo

Dear Dr. Love,

This is my first time to write in your column. Di ko akalain na isang araw ay liliham ako sa pitak na ito para humingi ng payo sa problema sa pag-ibig.

Itago na lamang ninyo ako sa pangalang Ms. Virgo, 18, 2nd year college.

May boyfriend ako pero ako lang ang nagdadala ng aming relasyon. Tawagin natin siyang Mr. Virgo, 26 years-old.

Dumating ang time na gusto ko nang makipagkalas sa kanya pero ayaw niya. Hindi ko sinabi sa kanya ang dahilan kung bakit ayaw ko na.

Last February, may nakilala akong guy at humanga ako sa kanya. Nagtapat siya ng feelings niya sa akin at sinagot ko siya not knowing kung wala na kami nung unang boyfriend ko. Nanghihinayang din ako sa relasyon namin dahil mag-iisang taon na sana kami.

Sana ay matulungan mo ako sa aking problema. More power and God bless.Gumagalang,

Ms. Virgo


Dear Ms. Virgo,


Hindi ka pa kasal sa iyong boyfriend kaya karapatan mong makipag-break.

Kapag ginawa mo iyan, di siya puwedeng tumanggi dahil hindi ka niya pag-aaring tulad ng laruan.

Hanggaít maaga, tapusin mo ang relasyon sa lalaking itinatanggi ng iyong puso.

It won't be fair na tuloy ang relasyon mo sa kanya habang may sinagot ka nang iba.

Dr. Love

Show comments