Huwag ipagpilitan ang iyong sarili

Dear Dr. Love,

Lagi po akong nagbabasa ng column n'yo and this is a big help lalo na sa mga may problema sa pag-ibig.

Ito ang unang pagsulat ko sa inyo. Kailangan ko po kasi ng advice. My problem is about my crush. By the way, just call me E-Shoot, 19 years-old.

When I was in 4th year high school, nagkaroon ako ng classmate. Let's call her Mis Pisces. Gustung-gusto ko po siya at talagang liligawan ko na siya subali't ayaw niyang ilantad na may gusto siya sa akin.

Pagkalipas ng tatlong buwan, natiyak ko na gusto ko siyang ligawan kaya lang ay naunahan na ako ng ibang lalaki. Sabi niya ay wala na raw akong pag-asa sa kanya.

Kahit na mayroon na siyang iba, hindi ko pa rin siya malimutan dahil iniibig ko siya. Sa puso ko at isipan ay laging naroon siya.

Gusto ko na siyang limutin pero paano? May magagawa pa kaya ako para mapasaakin siya? Parang gustso ko nang mamatay.

Thanks and more power.

Truly yours,

E-Shoot


Dear E-Shoot,


Dalawang scenario ang nakikita ko sa problema mo. Una, baka naman sinusubukan ka lamang ni Miss Pisces kung hanggang saan ka tatagal ng panliligaw sa kanya.

Sinabihan ka lang na wala ka nang pag-asa ay tumigil ka na. Paano kung pagsubok lang ito? E di lagpak ka na.

Pangalawa, kung talagang wala ka nang pag-asa sa kanya, marami pang mga babae sa mundong ito, hindi lang siya. Go out, have fun at malay mo, makakakita ka ng babaeng higit ang qualities kaysa kay Miss Pisces.

Baka nga nandiyan lang siya sa tabi-tabi at hindi mo napapansin.

Dr. Love

Show comments