Good day to you and all the staff of PSN. Just call me Lia, 13 years-old. Matagal ko na pong gustong sumulat sa inyo pero ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon.
Second year na po ako ngayon. Bago ako nag-aral sa isang exclusive school, nanggaling po ako sa isang coed school where I met this guy. Tawagin na lamang po ninyo siyang Janel. Crush na crush ko po siya talaga and I think ganoon din po siya sa akin. Kaya lang ay hindi ko alam kung torpe siya o ano. Pinakilala naman po kami ng mga friends namin pero pagkatapos noon ay di naman niya ako kinausap. Puro tingin lang siya. Ayokong ako ang mauna dahil nahihiya ako. Hanggang sa gumraduate ako at i-transfer ng mga parents ko sa isang exclusive school. Ayoko sana Dr. Love coz I thought mahal ko siya. Nalulungkot ako everytime na naaalala ko siya. Dahil doon, I promised myself na di na ako magkaka-crush sa mga guys. Kapag may guys na medyo cute, I compared them to Janel tapos I tell myself na "ah, mas lamang sa iyo si Janel." At pagkatapos noon, hindi na ako ma-aattract sa kanila.
After a few months, nakilala ko ang isang obit. Noong una, naaasar ako kapag mayroong mga girls na pumapatol sa mga obit. Feeling ko, bakit ganoon? Babae rin sila at kung anuman ang mayroon sila ay mayroon din tayo. One time ay napilit ko ang ka-service ko na ituro niya sa akin ang crush niya. Unang kita ko pa lang sa kanya ay hindi ako makapaniwala. She really looks like a man! Then I realized na higit pa siya kay Janel. All the characteristics and qualities Im looking for a guy ay nasa kanya.
She was 4th year last year at ngayon ay sa Sta. Isabel na siya nag-aaral. Kilalang-kilala siya sa campus. Magaling siyang mag-basketball, mag-drums, mag-gitara, kumanta at sumayaw at relihoyosa rin siya. Parang hindi kapani-paniwala. Hindi ko nga masabi sa mga friends ko kung sino ang crush ko dahil nahihiya ako. Kaibigan at kaklase ko ang pinsan at pamangkin niya kaya nakakakuha pa rin ako ng balita tungkol sa kanya. Nalulungkot ako dahil hindi man lang niya nalaman na mahal ko siya.
Ano po ang gagawin ko? Naguguluhan po ako. Tama po ba ang ginagawa ko?
Umaasa,
Lia ng Pasay City
Dear Lia,
Nagkaroon ka ng magandang lesson sa buhay. Kasi napakabata mo pa, akala mo ang una mong crush ay siya nang ideal guy mo forever.
But then, dumating ang isang hindi naman tunay na lalaki pero inakala mong nakahihigit sa nauna mong crush. I hope hindi mo iisipin na siya ang magiging perfect partner para sa iyo.
In the first place, you should know that man to man or woman to woman relations are abomination to God. Continue making friends with real guys and Im sure youll find the right man for you in the future. Youre still too young at 13 and believe me, magbabago pa ang damdamim mo.
You have all the time in the world to select the right man for you. Huwag kang maging masyadong seryoso coz you still have a lot to learn when it comes to love.
Dr. Love