^

Dr. Love

Kaibigan ko, problema ko

-
Dear Dr. Love,

I'm Rowell, 22 years-old. Alam ko po na kayo lang ang makakatulong sa aking problema ukol sa aking kaibigan.

Hindi ko po akalain na mas pipiliin niya ang babaeng ngayon lang niya nakilala kaysa sa aming pagkakaibigan. Pero naiintindihan ko po siya. Ngayon lang kasi siya nagmahal.

Hindi po kasi matinong babae ang nakuha niya. Minsan na siyang niloko nito at masyadong nasaktan ang kaibigan ko. Pero tinanggap pa rin niya ito.

Sa ngayon ay pilit ko na silang iniiwasan at ayoko nang makialam sa kanilang pag-iibigan. Nasasaktan ako kapag niloloko siya ng babaeng iyon. Binale-wala niya ang mga pangaral ko sa kanya.

Ano po ang gagawin ko? Lubos na gumagalang,

Rowell Cruz

Bagong Silang, Marikina City


Dear Rowell,


Talagang ganyan ang pag-ibig. Kapag pumasok sa puso ninuman, hahamakin pati na kasawian.

Ganyan ang nangyari sa kaibigan mo. Ang akala niya ay mailalagay niya sa matuwid na landas ang babaeng kanyang minamahal.

Hindi ka nagkulang ng pangaral sa kanya kaya pabayaan mo na lamang siya. Later on ay baka ma-realize niya na tama ka nga.

Dr. Love

vuukle comment

ALAM

ANO

BAGONG SILANG

DEAR ROWELL

DR. LOVE

GANYAN

MARIKINA CITY

NIYA

PERO

ROWELL CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with