^

Dr. Love

Paano ba magkaroon ng girlfriend?

-
Dear Dr. Love,

Isa po ako sa mga tagasubaybay ng PSN at isa rin ako sa mangilan-ngilang bagong sibol na hindi pa nagkakaroon ng girlfriend.

Sa edad kong 29-anyos, hindi ko pa natikman ang magkaroon ng girlfriend. Hindi kasi ako kaguwapuhan, kayumanggi ang kulay at medyo may katabaan.

Alam kong hindi naman mahalaga ang kaanyuan ng isang tao para magustuhan siya ng isang babae. Ang importante, mayroon siyang disenteng trabaho, responsable at maunawain.

Nagtatrabaho ako sa gobyerno.

Sana'y matulungan ninyo ako at hihintayin ko ang inyong kasagutan. Nais ko ring magkaroon ng maraming kaibigan kaya naman inilagay ko ang aking cell number.Lubos na gumagalang,

Romel (0919-6714697)


Dear Romel,


Huwag mong ikainip ang hindi mo pagkakatagpo ng babaeng iibig sa iyo.

Sa ngayon, ang edad na 29 ay hindi pa maituturing na matanda para sa isang lalaki na humanap ng makakatuwang sa buhay.

Maaaring hindi mo pa nakakadaupang-palad ang babaeng hindi nagbibigay pansin sa panlabas mong kaanyuan kundi sa busilak mong kalooban.

Huwag kang magmukmok sa isang sulok dahil hindi mo makikilala ang babae para sa iyo. Lumabas ka at makihalubilo, makipagkilala sa ibang mga babae para matagpuan mo na ang hanap mong tsikas.

Dr. Love

ALAM

DEAR ROMEL

DR. LOVE

HUWAG

ISA

LUBOS

LUMABAS

MAAARING

NAGTATRABAHO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with