Bulag, binigyang paningin ni Hesus!
March 17, 2003 | 12:00am
Bulag na siya mula nang isilang. Pero nagkaasawa pa rin siya at nagkaanak. Nakatira siya at nang kanyang pamilya sa liblib na lugar sa bukirin ng Cagayan de Oro City. Kasama nilang naninirahan ang mga lumad sa lugar na ito. Isa sa mga outreach ng iglesiyang pinapastoran ko ang lugar ni Tatay Isko kaya nakarating ako sa kanila.
Isang araw ay bumisita kami sa tribo ni Tatay Isko. Dahil bulag siya, kilala niya kami sa tinig at nang bagsak ng aming mga paa. Nang makita ko si Tatay Isko, nahabag ako at ipinanalangin ko siya. Pagkatapos manalangin, nakakita na siya. Sa galak ng matanda, napalundag siya at sinabing nakakakita na siya. Nabulabog ang buong tribo sa pangyayaring ito. Kahit ako at ang aking mga kasamahan ay namangha rin sa ginawa ng Panginoong Hesu Kristo kay Tatay Isko.
Nang umuwi na kami sa lungsod, dala-dala namin sa aming mga puso ang galak sa ginawang himala ng Panginoong Hesus kay Tatay Isko. Kasunod nito, tinanggap ng buong tribo si Panginoong Hesus bilang sarili nilang Tagapagligtas at Panginoon.
Totoo pala na kahit sa kasalukuyan ay mayroon pang mga himala na ginagawa ang Panginoong Hesus para makilala Siya bilang Diyos, Anak ng Diyos at Tagapagligtas.
Noli Garvida
Pastor, CLSF Cagayan de Oro City
(Kung nais ninyong makatanggap ng pagpapala, kagalingan, katugunan sa mga panalangin at anupaman, tumawang lamang sa 533-5171 at hanapin ang CLSF counselor.)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended