Ayaw kong biguin si Mr. Gemini

Dear Dr. Love,

Remember Crazy Girl of Quezon? It's me again. I have to consult you again about the same heart problem but this time, it's not with a married man but with a very qualified bachelor.

Sinunod ko ang payo mo. Kinalimutan ko na si Mr. Lover Boy dahil baka ako makarma. Okey na ang takbo ng buhay ko pero mayroong isang nagpagulo uli na tawagin na lang nating Mr. Gemini. Single siya at 21 years-old lang. At his age, makulit siya at nais niya kaming isama ng dalawa kong anak sa malayo.

Lahat ay ginawa na niya para mapamahal siya sa akin. Siyempre pa, tutol ang pamilya niya sa akin. Pero wala siyang pakialam dahil ang alam lang niya ay mahal niya ako.

Sabi ko sa kanya, maraming mga dalaga at bata pa siya. Pero hindi niya ako tinitigilan.

Ano ang gagawin ko, Dr. Love? Hindi ko siya ma-disappoint dahil naaawa ako sa kanya. Mabait naman siya. Please help me.

Love,
Crazy Girl


Dear Crazy Girl,


Hindi sapat na basehan sa pagtanggap ng isang pag-ibig ang pagkaawa lang sa isang tao. Kailangang mahal mo siya at mahal ka rin niya.

Anyway, ang tingin ko naman ay mahal mo siya bagaman hindi mo matanggap ito dahil mas bata siya sa iyo at iyon nga, mayroon kang madilim na nakaraan.

Kung nararamdaman mong tapat naman siya sa pagmamahal niya, hindi niya binibigyang pansin ang diprensiya ng inyong edad at ang pagkakaroon mo ng dalawang anak, wala akong nakikitang dahilan para hindi mo tugunin ang kanyang pag-ibig.

Ang hindi ko na lang matandaan ay kung mayroon kang legal na kabiyak na puwedeng maging sagabal sa legal ninyong pagsasama.

Huwag kang patangay sa simbuyo ng damdamin at dapat ay maging praktikal ka sa pananaw sa buhay lalo na't mayroon kang dalawang anak na maaaring maapektuhan sa padalos-dalos mong pagpapasya.

Dr. Love

Show comments