Nagkakahiyaan
January 8, 2003 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Una po ay binabati ko kayo ng isang magandang araw. Happy New Year na rin po sa inyo sampu ng inyong mga kasamahan sa pahayagang ito.
Ako nga pala si Mayeth ng Imus, Cavite, 22 years-old.
May crush po ako dito sa amin at naiin-love na po ako sa kanya. Hindi naman po kami magkakilala. Alam ko po ang pangalan niya pero hindi niya alam ang pangalan ko.
Dati po ay may mini-store sila at doon ko siya unang nakita. Isang araw po nang pumunta ako sa palengke na kasama ko ang Nanay ko ay nakasakay namin siya sa jeep pauwi. Nung magbabayad po ako, sinabi niya na ibinayad na raw niya kami. Nabigla po ako dahil hindi naman kami magkakilala.
Lalo pong tumindi ang paghanga ko sa kanya. Nagulat din po ang Nanay ko. Sabay-sabay kaming bumaba ng jeep at nag-thank you ako sa kanya. Hindi ko naman po nagawang ipakilala siya sa Nanay ko dahil baka magtaka siya kung paano ko nalaman ang pangalan niya. Sinabi ko na lamang sa Nanay ko na may-ari sila ng mini-store kung saan madalas akong bumibili.
Akala ko ay iyon na ang simula nang pagkakaibigan namin na matagal ko nang inaasam-asam pero hindi pala. Sa tuwing magkakasalubong kami o magkikita ay nagkakahiyaan kaming batiin ang isa't isa. Baka kasi isnabin niya ako kapag binati ko siya at nag-aalangan ako kasi hindi pa naman kami masyadong magkakilala.
Pero ang Nanay ko po ay nababati siya at binabati rin niya ito. Mahal na mahal ko po ang crush kong ito pero hindi ko alam kung tama bang ipagpatuloy ko ang damdamin ko para sa kanya dahil baka sa bandang huli ay masaktan lang ako.
Ano po ang dapat kong gawin? Paano ko siya magiging kaibigan? Minsan po ay may mga kilos siya na halatang may pagtingin din siya sa akin. Minsan, nararamdaman ko na parang gusto niya akong batiin kaso hindi po niya alam ang pangalan ko.
Alam ko po na matutulungan ninyo ako tungkol sa problema ko. Sana po ay hindi n'yo ako biguin. Maraming salamat po. More power and God bless.
Gumagalang,
Mayeth
Dear Mayeth,
Wala akong nakikitang masama kahit ikaw ang unang bumati sa kanya tutal magkakilala na naman kayo. Kahit simpleng 'hi' o 'hello' kasabay ng isang ngiti ay sapat na para mawala ang kanyang pangingimi sa iyo.
Ang hindi maganda ay kung una kang magpapakita ng motibo.
Siguro'y nahihiya lamang siya sa iyo at hinihintay niyang una kang ngingiti at babati sa kanya.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended