^

Dr. Love

Ingat, Miss Libra

-
Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Miss Libra, 16 years-old. May ka-phonepal ako at tatlong buwan na kaming magkaibigan sa telepono. Dalawa o tatlong beses kaming mag-usap sa telepono sa isang linggo. Tuwing gabi kami nag-uusap.

Isa siyang security guard at ako naman ay namamasukan dito sa pinsan ko. Matagal kami kung mag-usap sa telepono dahil gusto raw niyang laging marinig ang boses ko. Hanggang sa magtapat siya na mahal daw niya ako.

Ang sabi niya ay magkita kami pero di ako pumayag dahil wala akong alam sa Maynila. Sabi ko ay wala akong tiwala sa mga taong di ko kakilala. Di naman daw siya masamang tao. Sa palengke na lang daw kami magkita para malapit pero di pa rin ako pumayag.

Sa totoo lang ay nahihiya ako kapag may kasabay akong lalaki. Kahit na nga tatay at mga kapatid kong lalaki, nahihiya ako kapag kasabay ko sila sa paglalakad. Pati pinsan ko kapag pinupuntahan ako ay hindi ko hinaharap. Sabi nila ay wala raw akong pakisama at hindi raw ako marunong makiharap sa mga tao.

Hindi ko po alam kung ano ang gagawin ko. Ayaw ko namang magalit sa akin ang ka-phonepal ko. Hindi niya alam na may gusto ako sa kanya. Lagi niya akong sinasabihan ng 'I love you.' Hindi ko alam kung binata pa siya o may asawa na. Ang sabi niya ay 28 years-old daw siya at binata.

Ano po ang gagawin ko? Ayaw kong tumigil ang pag-uusap namin.

Gumagalang,

Ms. Libra


Dear Ms. Libra,


Mas mabuti kung mag-iingat ka. Hindi mo pa siya talagang kilala maliban sa kayo'y nag-uusap sa telepono.

Kung tapat ang intensiyon niya sa iyo, eh di dalawin ka niya nang pormal sa iyong kinaroroonan.

Huwag mo ring isara ang isipan mo sa paniniwalang may gusto ka na rin sa kanya. Ni hindi mo alam ang anyo niya.

Ingat iha at baka ka mapahamak.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

AKONG

ANO

AYAW

DR. LOVE

MISS LIBRA

MS. LIBRA

NIYA

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with