Isang panalangin lang, nawala ang nerbiyos at hypertension
December 16, 2002 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Nang mabasa ko ang kolum na ito, kaagad kong tinawagan ang teleponong nakasaad sa ibaba para makahingi ako ng panalangin sa counselor ng Christ, the Living Stone Fellowship.
Sa oras na yaon, madalas akong inaatake ng kaba o nerbiyos at hypertension. Hindi ako gaanong makatulog. Kaunting kaluskos lang o ingay ay nagigising na ako. Parang may bumabagabag sa aking budhi. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganoon.
Nagpatingin ako sa doktor pero wala naman itong makitang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Niresetahan lamang ako ng tabletas na pangpakalma na iinumin ko kapag ako'y sinusumpong.
Nang makausap ko ang CLSF counselor, ipinapanalangin niya ako. Pinatanggap niya sa akin si Hesus bilang sarili kong Tagapagligtas at Panginoon at pinagsisihan ko ang aking mga kasalanan. Pagkatapos, pinaputol niya ang ugat sa pagiging matatakutin ko.
Sabi pa niya, ang takot ay hindi galing sa Diyos kundi galing kay Satanas. Galing sa Diyos ang pagkakaroon ng kapayapaan at dakilang pag-ibig. Pagkatapos niya itong sawayin at palayasin sa aking katauhan, hiningi niya sa Panginoong Hesus ang kapayapaan, pag-ibig at kagalakan na siyang maghari sa buhay at puso ko.
Naramdaman ko na nagkaroon ako ng tunay na kapayapaan. Mula noong Oktubre 22 hanggang ngayon ay nakakatulog na ako nang mahimbing at nawala na ang kaba sa dibdib ko. Nagpatingin akong muli sa doktor at naging normal na ang daloy ng dugo ko. Tumawag ako sa CLSF counselor at nagpasalamat. Tunay akong pinagaling ni Hesus sa aking karamdaman. Anita Escalona, Pag-asa, Quezon City
(Kung gusto ninyong makatanggap ng pagpapala, kagalingan, kalutasan o anupaman galing sa Panginoong Hesus, tumawag lamang sa 533-5171 at hanapin ang CLSF counselor.)
Nang mabasa ko ang kolum na ito, kaagad kong tinawagan ang teleponong nakasaad sa ibaba para makahingi ako ng panalangin sa counselor ng Christ, the Living Stone Fellowship.
Sa oras na yaon, madalas akong inaatake ng kaba o nerbiyos at hypertension. Hindi ako gaanong makatulog. Kaunting kaluskos lang o ingay ay nagigising na ako. Parang may bumabagabag sa aking budhi. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganoon.
Nagpatingin ako sa doktor pero wala naman itong makitang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Niresetahan lamang ako ng tabletas na pangpakalma na iinumin ko kapag ako'y sinusumpong.
Nang makausap ko ang CLSF counselor, ipinapanalangin niya ako. Pinatanggap niya sa akin si Hesus bilang sarili kong Tagapagligtas at Panginoon at pinagsisihan ko ang aking mga kasalanan. Pagkatapos, pinaputol niya ang ugat sa pagiging matatakutin ko.
Sabi pa niya, ang takot ay hindi galing sa Diyos kundi galing kay Satanas. Galing sa Diyos ang pagkakaroon ng kapayapaan at dakilang pag-ibig. Pagkatapos niya itong sawayin at palayasin sa aking katauhan, hiningi niya sa Panginoong Hesus ang kapayapaan, pag-ibig at kagalakan na siyang maghari sa buhay at puso ko.
Naramdaman ko na nagkaroon ako ng tunay na kapayapaan. Mula noong Oktubre 22 hanggang ngayon ay nakakatulog na ako nang mahimbing at nawala na ang kaba sa dibdib ko. Nagpatingin akong muli sa doktor at naging normal na ang daloy ng dugo ko. Tumawag ako sa CLSF counselor at nagpasalamat. Tunay akong pinagaling ni Hesus sa aking karamdaman. Anita Escalona, Pag-asa, Quezon City
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am