Pinapanalo ni Hesus ang kaso ko
October 28, 2002 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Akoy isang domestic helper sa Abu Dhabi, United Arab Emirates. Dumating ako dito noong Disyembre 2001 sa pamamagitan ng ETC Human Resource Recruitment Agency. Subalit noong Agosto 15 ng taong ito, pinauwi ako ng aking amo dahil nag-expire na raw ang aking visa. Nagulat ako dahil base sa kontratang aking pinirmahan, hanggang Disyembre 2004 pa ang expiration ng visa ko.
Noong Set. 26, nag-file ako ng demanda sa Department of Labor and Employment pati na sa POEA laban sa recruitment agency ko. Noong Okt. 21, nabasa ko ang kolum na ito.
Nagpasya akong tawagan ang counselor ng Christ, the Living Stone Fellowship para humingi ng panalangin upang manalo ako sa kaso. Kinakabahan kasi ako na baka walang mangyari. Nanalangin kami ng CLSF counselor.
Kinabukasan sa hearing ng kaso, nagdesisyon ang korte na bayaran ako ng P10,000 at aayusin ang aking mga papeles para makaalis ako patungong Singapore para doon na magtrabaho bilang isang domestic helper. Ang recruitment agency ang sasagot sa lahat ng mga gastos ko patungong Singapore at sila rin ang hahanap ng magiging amo ko doon.
Maliban pa rito, sinagot din ang panalangin ko na kumontak ang aking asawa sa tatlo naming mga anak at padalhan sila ng pera para panggastos habang wala pa akong kinikita. Tumawag ang aking mister mula sa Albay at nangakong magpapadala ng pera.
Talagang totoo na kumikilos ang Panginoon sa kolum na ito at pawang totoo ang lahat ng mga nakasulat dito. Salamat sa Panginoong Hesus sa pagsagot sa panalangin ng CLSF counselor. Evangeline ng Caloocan City
(Kung gusto ninyong makatanggap ng pagpapala, lunas, kagalingan o anupaman, tumawag lamang sa 533-5171 at hanapin ang CLSF counselor.)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 24, 2024 - 12:00am