Bodyguard ang bf niya
October 20, 2002 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Just call me Bhebs, 25 years-old. Nagsimula po ang aking problema sa pag-ibig nang magkaroon ako ng boyfriend na isang bodyguard ng gobernador dito sa aming lugar. Hindi ko po alam kung talagang mahal niya ako. Once a month lang kasi kami kung magkita dahil masyado siyang busy. Pareho kaming may cellphone pero kapag may message ako sa kanya ay hindi man lang siya sumasagot. Tuwing nagkikita kami, wala siyang ibang sinasabi kundi "I Miss You." Hindi man siya nagsasabi ng "I Love You."
Dr. Love, mahal kaya ako ng boyfriend ko? Ako, nasisiguro kong mahal ko siya kahit lagi siyang wala sa paningin ko. Dahil sa pagmamahal ko sa kanya, lagi kong iniintindi ang sitwasyon naming dalawa. Kahit once a month lang kami magkita, lagi pa rin siyang nasa puso ko.
Dr. Love, paano ko po malalaman kung mahal ako ng boyfriend ko? Nalilito na talaga ako. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko para malaman ang nilalaman ng puso ng boyfriend ko. Nahihiya naman akong tanungin siya. Pagpayuhan sana ninyo ako kung ano ang dapat kong gawin. Thank you and more power.
Umaasa,
Bhebs of Maasin City
Dear Bhebs,
Mahirap maging security ng isang may mataas na katungkulan sa pamahalaan.
Halos hindi na niya pag-aari ang maraming oras sa kanyang buhay. Kahit saan magpunta ang binabantayan niyay lagi siyang nakabuntot na parang anino.
Totoo ito lalo pat may matinding tangka sa buhay ng kanyang pinoprotektahang tao.
Marahil ay mahal ka niya subalit hindi siya makapag-ukol ng sandali para sa iyo dahil sa kanyang obligasyon. Kung mahal mo siya at kaya mong tiisin ang pagkukulang niya, go on with your relationship.
Pero kung inaakala mong hindi ka liligaya sa piling niya, ngayon pa lang ay magdesisyon ka.
Nasa sa iyo ang huling pasya.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended