Umiibig uli ako
October 16, 2002 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Sana ay sapitin kayo ng liham na ito nang nasa mabuting kalagayan. Inaasahan kong hindi ninyo ako bibiguin sa hihingin kong payo sa inyo tungkol sa aking problema.
Ako po ay may asawa at tatlong anak sa edad na 30-anyos.
Wala po akong problema sa aking asawa at sa aking mga anak. Nasa akin po ang problema. Umiibig ako sa isang dalaga na kasamahan ko sa opisina.
Alam ni Tin-tin ang estado ko sa buhay. Tinatawanan lang niya ako kung nagpapalipad-hangin ako sa kanya at ang turing niya sa akin ay isang nakatatandang kapatid.
Subalit ang feelings ko sa kanya ay iba. Maligaya ako kung kasama ko siya, inililibre sa pagkain at kung minsan ay inihahatid ko siya sa kanilang bahay mula sa opisina.
Hindi ko naman masabi sa kanya ang iniingatan kong damdamin para sa kanya. Subalit ang alam ko, hindi na magtatagal ay maipagtatapat ko na ito sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit ako nagkaroon ng iba pang minamahal na babae. Wala naman kaming problemang mag-asawa sa aming pagsasama. Natural lang po ba na magkaroon ng ganitong damdamin ang isang lalaki pagkaraan ng ilang mga taong pagsasama nilang mag-asawa?
Ako po ay isang taong walang bisyo. Hindi ako marunong manigarilyo, uminom at magsugal. Naghahanap lang ba ako ng thrill sa labas ng bahay kaya ako nagkakaganito? Pagpayuhan mo po ako.
Lubos na gumagalang,
Marcial
Dear Marcial,
Likas lang sa isang lalaki na humanga sa ibang babae at magkimkim ng pagnanasa sa kanya lalo nat ito ay maganda. Subalit hindi mo ito dapat na ipagkamaling isa na namang pag-ibig dahil ayon nga sa liham mo, hindi naman nagbabago ang pagsasama ninyong magkabiyak.
Idaan mo na lang sa paligo ang damdamin mong iyan. Dumarating talaga sa isang lalaki ang ganyang sitwasyon dahil parang boring na sa iyo ang pare-parehong aktibidad.
Hindi magiging makatarungan sa iyong asawa at kay Tin-tin kung palalaguin mo pa ang nararamdaman mong feelings na iyan. Higit sa lahat, apektado ang mga anak mo sakalit maging magulo ang iyong pamilya kung magkakaroon ka pa ng ibang babae sa buhay mo.
Magbakasyon ka muna kasama ang iyong asawa. Para bang tulad noong kayo ay nagliligawan pa lang. Makikita mo, mawawala ang nararamdaman mong init ng katawan para sa ibang babae.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended