Masakit na biro
September 4, 2002 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isa po ako sa masugid ninyong tagasubaybay. Ako po si Missy, 15 years-old at nasa 3rd year high school.
Mayroon po akong naging boyfriend. Noong una siyang nanligaw ay binasted ko siya pero tumatawag pa rin siya sa akin at muling nanligaw. After six months, sinagot ko siya.
Maganda naman ang naging takbo ng relasyon namin pero dumating ang araw na di na siya nagpupunta sa amin. Kaya ipinasabi ko sa aking kaibigan na sabihin sa kanya na break na kami. Magdadalawang-buwan nang alam kong break na kami nang bigla siyang nagpakita at sinabing hindi niya alam na break na kami.
Dahil po sa mahal ko siya at sinabi niya ang dahilan kung bakit hindi siya nagpupunta sa amin noon ay muli kaming nagkabalikan. Masaya na naman kami sa aming relasyon.
Pero nang isang kabarkada niyang lalaki ang nakipag-break sa nobya nito, sinabi niya sa mga barkada namin na sabihin sa akin na break na rin daw kami. Nakarating ito sa akin at sabi ko ay okey lang.
Tumawag siya sa akin at sinabing joke lang daw iyon. Bakit daw niya gagawin iyon e mahal na mahal niya ako. Pero sinabi kong hindi ko na siya mahal at ayoko na.
Pero nakikipagbalikan pa rin siya. Dapat pa ba akong maniwala sa kanya?
Missy
Dear Missy,
Okey ang magbiro. Pero kung ang biroy nakakasugat sa puso, lalo pat tungkol sa pag-ibig, hindi ito dapat gawin.
Lalo itong hindi dapat gawin sa taong minamahal mo.
Marahil, hindi niya alam ang consequences ng kanyang masamang biro dahil bata pa siya.
Siguro kung hihingi siya ng tawad, patawarin mo siya basta huwag na siyang uulit. Minsan, ang taoy natututo sa kanyang pagkakamali. Dakila ang taong marunong magpatawad.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended