^

Dr. Love

I don’t know him but I love him

-
Dear Dr. Love,

Hello. A pleasant day to you. First time ko pong sumulat sa inyo. Sumulat po ako dahil sa nababasa kong mga payo ninyo at alam kong matutulungan ninyo ako. Just call me Liecel.

Ang problema ko po ay na-inlove ako sa hindi ko kilalang lalake. First time ko po siyang nakita noon sa isang park at kasama niya ang kanyang relatives. One week later, nakita ko siya sa Danube River na nakahiga sa damuhan at kasama niya ulit ang mga relatives niya. Una po ay hindi ko siya namukhaan kasi nakasalamin siya. Pero noong tinanggal niya ang salamin niya, nakilala ko siya. At parang nakilala rin niya ang mukha ko.

Then mga ilang weeks, nakita ko na naman siya sa isang railway. Lagi ko po siyang nakikita at kadalasan ay sa railway station. Sinabi ko po sa best friend ko na in-love ako sa hindi ko kilalang lalake. Sabi po niya sa akin "forget him." Pero how?

Ayaw ko namang lapitan yung lalake and I don’t want to make the first step. At saka hindi ko pa kilala yung lalake. Ang isa ko pang problema ay ang aking dreamboy. Kasi lagi niyang kasama ang pamilya niya. Ang sweet nila. Mukhang mababait. Pero hindi ko po alam ang character niya. Relatives po kaya niya iyon lahat o kasama na doon ang asawa at anak niya? Mukha po kasing 22-years old yung lalake. Pero hindi siya mukhang may asawa at anak.

Please help me na huwag tuluyang mabaliw sa hindi ko kilalang lalake at sa hitsura ko lang kilala. I’m 17 years-old.

Kung puwede lang po sana ay i-send rin ninyo ang answer n’yo sa aking e-mail. Please!!

Good luck and more power,
Liecel



Dear Liecel,


First of all, I don’t answer thru e-mail kasi hindi mababasa ng ating mga ordinaryong readers. But I hope you will be able to read my advise when you surf thru our website.

I believe destiny na lang ang makakapagsabi kung makikilala mo ang iyong mga dreamboy. The way you describe them ay parang may mga pamilya na sila kaya lang ay hindi ka sigurado dito.

Tama ang kaibigan mo. Just forget him. Parang suntok kasi sa buwan ang ginagawa mo. Kung makikilala mo sila ay mangyayari ito pero don’t make the first move. Destiny will find its way.

Good luck and do write again just in case there is significant developments in your quest.

Dr. Love

AYAW

BUT I

DANUBE RIVER

DEAR LIECEL

DR. LOVE

KASI

LIECEL

NIYA

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with