^

Dr. Love

Nang dahil sa pera

-
Dear Dr. Love,

Hi to everybody. I’m one of your avid readers. Hope you could give me the best advise.

I’m Cindy. I have a live-in partner for two years. Hanggang ngayon ay wala pa kaming anak. Away-bati ang aming pagsasama hanggang sa pera na ang aming pinag-aawayan.

Every 15th of the month ang kanyang sahod at P4,000 ang sahod niya tuwing kinsenas. Pero P2,000 lang o minsan ay P1,500 ang naibibigay niya sa akin. Hirap na hirap akong pagkasyahin ito hanggang sa susunod na sahod.

Dahil dito ay lagi siyang galit dahil hindi raw ako marunong mag-budget. Minabuti kong siya na lamang ang humawak ng pera para maiwasan namin ang away. Nakita niya na hindi talaga kasya ang suweldo niya. Lagi pa siyang nagpapadala at tumatawag sa kanila.

Nang siya naman ang tanungin ko, sinabi niya na okey lang dahil sa kanya naman ang pera. Dahil dito ay sumama ang loob ko sa kanya.

Sabi ng kaibigan ko ay bakit hindi raw ako humanap ng ibang lalaki gayong matino naman akong babae at walang bisyo.

Dr. Love, tulungan mo ako. Tama ba ang hinala ko na gumagawa lang siya ng paraan para siya na lang ang humawak ng pera niya? Susundin ko ba ang aking kaibigan?

Thanks a lot and more power.

Labis na gumagalang,
Cindy


Dear Cindy,


Dapat kang humiwalay sa kanya dahil hindi kayo kasal. Sa mata ng Diyos, iyan ay kasalanan. Kung nais mong ipagpatuloy ang relasyon mo sa kanya, magpakasal muna kayo. Iyan ay kung pareho kayong walang previous marriage.

Pero sa palagay ko, hindi na mailalagay sa ayos ang pagsasama ninyo dahil sa madalas ninyong pag-aaway dahil lang sa pera.

Mabuti ‘t wala pa kayong anak. Kaya habang hindi pa huli ang lahat, makabubuting hiwalayan mo na siya. Maghanap ka ng trabaho para hindi ka umaasa sa pera ng iba.

Dr. Love

CINDY

DAHIL

DAPAT

DEAR CINDY

DIYOS

DR. LOVE

HANGGANG

HIRAP

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with