^

Dr. Love

Young lover

-
Dear Dr. Love,

Hi! Hope you’re okey upon receiving this letter of mine. Just call me Alian. I’m one of your avid readers. I didn’t expect na susulat din ako sa iyo to tell about my problem but here I am confiding to you. I’m only 13 years-old but I already have a boyfriend. I admit I’m still young to be committed to someone pero hindi natuturuan ang puso hindi ba? Third year na ang boyfriend ko at taga-Batangas siya samantalang ako naman ay naririto sa Bocaue, Bulacan. Masyadong malayo ang distance namin sa isa’t isa kaya natatakot ako na baka makakita siya ng iba. I’m afraid to lose him.

Lagi niyang sinasabi sa akin na mahal na mahal niya ako pero words are not enough, hindi ba? Hindi niya alam na nanliligaw sa akin yung barkada niya thru cellphone. Pero sinabi kong hindi puwede dahil may boyfriend na ako at yun ay kaibigan niya. Pero mapilit siya. Ayoko namang sabihin ito sa boyfriend ko dahil baka mag-away sila.

Ano po ang gagawin ko? Mahal na mahal ko ang boyfriend ko at alam kong ganoon din siya sa akin. We can sacrifice for the sake of our relationship.

Till here. God bless and more power.
Truly Yours,
Alian #02


Dear Alian,


Ang tunay na pag-ibig ay may lakip na tiwala sa isa’t isa. Kahit magkalayao kayo, nananatili kayong tapat sa isa’t isa. Kung may nanliligaw mang iba sa iyo, hindi ka dapat magpatukso dahil tapat ka sa iyong boyfriend. At kung tapat din siya sa iyo, hindi siya matutuksong manligaw sa iba.

Pero tulad ng sabi mo, bata ka pa at marami pang di-inaasahang bagay ang maaaring mangyari. Huwag ka munang magsasalita nang tapos. Samantala, mag-aral kang mabuti at iyan ang gawin mong priority.

Dr. Love

ALIAN

ANO

AYOKO

BATANGAS

BOCAUE

DEAR ALIAN

DR. LOVE

PERO

TRULY YOURS

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with