Problema ni Unay
March 24, 2002 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Magandang araw po ang pinaaabot ko sa staff ng PSN, lalung-lalo na sa iyo, Dr. Love. Akoy nagpapasalamat sa Panginoon dahil may isang katulad mo na laging handang tumulong sa mga taong may problema sa puso.
Matagal ko nang gustong sumulat sa iyo kaya lang ay nag-aalangan ako kung anong address ang ilalagay ko. Tawagin na lamang ninyo akong "Unay", 33 taong-gulang. Dati akong may asawa pero hindi ko natagalan ang kanyang ugali kaya ipinawalambisa namin ang aming kasal. Sa loob ng 10 taon naming pagsasama ay hindi kami nagkaroon ng anak. Almost three years na rin kaming hiwalay at gusto ng mga parents ko na mag-asawa na uli ako. Kaya lang ay takot ako dahil ayaw ko nang maulit ang naranasan ko sa una kong asawa.
Hindi po sa pagmamayabang ay marami akong mga manliligaw at pawang tanggap nila ang aking nakaraan. Akala nga nila ay 25 years-old lang ako. Ipinasya kong sagutin si Bhust. Akala ko ay mahal ko siya. Subalit nang dumating si Lovie ay naglaho ang pagmamahal na iyon para kay Bhust. Magkaibigan kami ni Lovie pero nang lumaon ay na-developed ako sa kanya. Isang umaga, nagising na lamang ako na mahal ko pala siya. Hindi nagtagal ay nagpahayag din siya ng kanyang damdamin sa akin. Hindi ko alam kung ano nang gagawin ko sa tuwing magkikita kami. Iwasan ko man siya ay lalo lang siyang napapamahal sa akin.
May kinakasama si Lovie pero ang sabi niya ay hindi niya ito mahal dahil pinikot lang daw siya nito. Wala silang anak at hindi rin naman kasal. Handa raw siyang maghintay kung kailan ko siya sasagutin. Pero paano? May boyfriend ako at alam kong mahal na mahal niya ako. Pero ang mahal ko ay si Lovie. Iniiwasan ko na nga siya pero nahihirapan ako. Siya ang laging hinahanap ko. Sa totoo lang po ay ibang-iba siya sa lahat ng nanligaw sa akin. Iginagalang niya ang pasya ko, gentleman, masipag at may paninindigan sa sarili.
Dr. Love, ano ang dapat kong gawin? Nasa tamang edad na po ako pero gulung-gulo ang isip ko pagdating sa ganitong sitwasyon. Please help me.
Gumagalang,
Unay
Dear Unay,
Hindi ako naniniwala sa pikot. Kung ayaw ng lalaki, hindi siya mapipilit pakasal ng isang babae. At kung nagiging agresibo man ang babae para mapangasawa ang isang lalaki, iyan ay may dahilan. Posibleng naagrabyado na siya ng lalaki na may dapat nang panagutan sa kanya.
At lalong naiirita ako sa mga lalaki na sinisiraan ang kanilang mga asawa o kinakasamang babae sa kanilang nililigawan. Hindi iyan gawa ng isang maginoo.
Gusto mo bang mangyari sa iyo ang ganyang balang araw?
Kaya kung may nadarama ka mang pagmamahal sa lalaking iyion, pag-isipan mong mabuti at pairalin mo ang isip at huwag puro puso.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended