A pleasant day to you. This is my first time to write to you.
May malaki po akong problema sa aking lovelife. Just call me Camille of Quezon City. Ang boyfriend ko po ay aking pinsan. Ang lolo ko at tatay niya ay mag-pinsang buo. Pareho kami ng apelyido. My parents are not married pero surname ng father ko ang ginagamit ko.
Ano po ba ang gagawin ko? Maraming beses na pong may nangyari sa aming dalawa. Pareho naming mahal ang isat isa pero maraming hadlang sa amin. Nang malaman ng side ng father ko na may relasyon kami, itinakwil po nila ako at ang sabi ay bahala na raw ako sa buhay ko. Ganoon din po ang kaso sa parents niya.
Pero sabi niya ay wala raw siyang pakialam kahit itakwil siya bastat magkasama lang kami habambuhay. Sinubukan ko pong makipagkalas sa kanya ng ilang beses pero iyak siya nang iyak at nagmamakaawang huwag ko siyang iwan.
Hindi ko rin po siya kayang iwan dahil mahal na mahal ko rin siya kaya lang ay bawal ang aming relasyon dahil mag-pinsan kami. Naguguluhan po ako kung ano ang dapat gawin at kung sino ang susundin. Galit na galit po sa akin ang parents ko at binigyan na nila ako ng kalayaan na magsama kami pero huwag na raw akong magpapakita sa kanila.
Sana po ay matulungan ninyo ako sa problema ko. Gulung-gulo na po ang isip ko. Magpinsan ba talaga kami? Puwede po ba kaming ikasal kahit na magkaapelyido kami? May balak po kasi kaming pakasal kung saka-sakali.
Marami pong salamat.
Camille ng Quezon City
Dear Camille,
Lumalabas na second cousin mo siya. Si Mikey Arroyo na anak ni Pangulong Gloria Arroyo ay ikakasal din sa kanyang second cousin. Which means walang legal impediment sa inyong relasyong magpinsan.
Pero sa kultura nating mga Pilipino, nag-aalsa ang ating mga magulang sa ganyang sitwasyon. Kung itutuloy ninyo ang inyong plano, may mga kaanak kang magagalit. Kung kaya ninyong tanggapin iyan, ituloy ninyo ang inyong balak.
Subalit gaya nang madalas kong sabihin sa mga katulad mo ang problema, ang relasyon ng malapit na magkamag-anak ay nagbubunga ng mga supling na may kapansanan kung minsan. Kaya pag-isipan ninyong mabuti iyan.
Dr. Love