On and off ang relasyon namin
January 15, 2002 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Hi! Good day to you and all the staff of PSN.
Sana ay sapitin kayo ng liham kong ito na nasa mabuting kalagayan. Inaasahan ko pong hindi ninyo bibiguin ang hinihingi kong payo tungkol sa aking problema.
Ako po ay si Miss Aquarius, 20 years-old at taga-Bohol. Isa po ako sa masugid na tagasubaybay ng inyong pahayagan.
Ang problema ko po ay ang aking boyfriend na si Mr. J.M. Dalawang taon na po ang relasyon namin noong Disyembre 14, 2001.
Ang hindi ko po malaman ay ang pangyayaring hindi smooth-sailing ang aming relasyon. Palagi po kaming nagkakahiwalay at pagkatapos ay bumabalik naman siya sa akin.
Ano kaya ang ibig sabihin nito? Totoo kaya ang damdamin niya para sa akin? Sana po ay mapayuhan ninyo ako kung ano ang dapat kong gawin.
Lubos na gumagalang,
Miss Aquarius
Dear Miss Aquarius,
Hindi mo nasabi sa liham mo kung ano ang dahilan ng lagi ninyong pagkakalas ng relasyon. Nag-aaway ba kayo? Sino ba ang may kasalanan?
Kung siya ang dahilan ng inyong sigalot, dahil ika mo ay siya naman ang laging bumabalik, ibig sabihin ba nito ay siya ang may pagkakamali?
Pero iyan ay tila tanda na siya ay immature at hindi marunong makibagay sa iyo.
Pero bakit lagi mo namang tinatanggap ang pagbabalik niya? Siguro ay talagang mahal mo siya o baka naman ikaw din ang may diprensiya kung bakit lagi kayong nagkakahiwalay.
Kung wala sa iyo ang problema, aba, mag-isip isip ka na tuluyan nang kumalas sa boyfriend mo na kundi man laging nagtatampo ay ginagawang laruan ang damdamin mo.
Kaya marahil ganyan ang trato niya sa iyo ay alam niyang lagi mo naman siyang tinatanggap. Alam niyang mahal mo siya at ikaw ay laging mapagpasensiya.
Ang relasyon ng magnobyo ay dapat na bigayan at hindi one-sided lang. Mabuti naman at ngayon pa lang ay ipinakikita na niya ang tunay niyang ugali dahil hindi magandang senyal iyan kung kayo na ngang dalawa ang magkakatuluyan.
Kaya mo bang laging magbigay?
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended