^

Dr. Love

Dr. Love Monday Special: Talamak sa droga: nagsawa rin at nagpa-rehab

-
Bakit nga ba ako nagkaganito? Bakit ako napasok sa rehab? Nag-umpisa kasi ito sa sobrang pagka-istrikto ng tatay ko. Noong bata pa ako, pinagbintangan niya akong kumuha ng pera sa alkansiya. Naging sapat itong dahilan para bugbugin niya ako. Mula noon, nagkimkim na ako ng galit sa tatay ko.

Nagsimula rin akong maimpluwensiyahan ng mga barkada ko at kasama na rito ang pagdo-droga. Hindi ako nahuhuli ng nanay ko sa akto na nagda-drugs pero alam niya dahil nakikita niya akong hindi natutulog ng ilang araw. Minsan, kung anu-ano ang itinuturo ko sa kanya at sinasabing may humahabol sa akin. Lalo akong nalulong sa bawal na gamot nang iwanan ako ng babaeng ka-live in ko. Mahal na mahal ko ang babaeng iyon. Pinaasa pa naman niya ako pero wala rin pala. Kaya pagda-drugs ang napagbalingan ko.

At para masuportahan ko ang bisyo kong ito, natuto akong manloko ng tao. Pati mga kapatid ko’y sinimulan kong nakawan hanggang sa hindi na nila ako pinapapasok ng bahay. Kung anu-ano kasing mga gamit sa bahay ang bigla na lang nawawala. Sa labas ng bahay na ako natutulog. Wala na silang tiwala sa akin.

Madalas akong sangkot sa gulo, nadedemanda at nabibilanggo. Pero labas-masok naman ako ng kulungan dahil maimpluwensiyang tao ang may hawak sa akin. Tuluy-tuloy ang aking pagnanakaw at pagtutulak ng droga.

Pero dumating na yung punto na hindi na talaga matanggap ng mga kapatid ko ang mga pinaggagagawa ko. Sa inis nila sa akin, ginulpi nila ako nang todo. Akala ng nanay ko ay katapusan ko na.

Mabuti lang talaga ang Diyos dahil hindi nagsawa ang nanay ko na ako’y ipanalangin. Patuloy niyang idinulog sa Panginoon ang kalagayan ko hanggang sa dumating sa puntong kahit ako ay nagsawa na sa klase ng buhay ko. Ako mismo ang nagsabi sa nanay ko na dalhin na niya ako sa rehab.

Ipinasok nila ako sa isang rehabilitation center sa may Blumentritt. Sa awa ng Panginoon, natapos ko ang rehab program ko. Pero patuloy akong naninirahan sa tinatawag na "Men’s Home" para makatulong din naman ako sa mga naroon sa dati kong kalagayan. Ang masasabi ko lang...masarap... masarap magbago.

Richard


(Kung nais mong mapanood ang mga kuwento ng tagumpay na tulad nito, panoorin ang THE 700 CLUB tuwing Miyerkules ng hatinggabi at tuwing Linggo, 7:30 ng umaga sa GMA-7. Puwede ring tumawag sa THE 700 CLUB Counselling Center sa 810-7717 o 810-7176. Bukas ito nang 24 oras. Sa mga nasa probinsiya, puwedeng gamitin ang PLDT line na 1-800-1-888-8700 (libre at wala nang operator) o sumulat sa P.O. Box 37, Greenhills, 1502 San Juan, Metro Manila).

AKO

AKONG

BAKIT

BLUMENTRITT

COUNSELLING CENTER

METRO MANILA

PANGINOON

PERO

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with