^

Dr. Love

Naghahanap si Joseph

-
Dear Dr. Love,

Sa pagsapit ng sulat kong ito ay kasabay na rin ang aking taos-pusong pagbati at pangungumusta sa inyong lahat.

Marami na po akong sinulatan at humihingi ng magiging mga kaibigan sa panulat. Sinusulatan ko naman sila at may sumasagot naman po. Yung isa nga, natatandaan ko ang pangalan niya na "Laura" at taga-Mahiyain st. diyan sa Kamias Road. Nagbigay pa siya ng sketch ng street nila. Pero hindi ko siya napuntahan dahil nadestino ako ng tatlong linggo sa trabaho namin sa Kalinga Apayao. Nagtatrabaho po ako sa Piltel at kami ang nagtatayo ng mga tower.

Dr. Love, ako po ay isang binata, 34 years-old. Sana po sa pamamagitan ng sulat kong ito sa inyo ay mahanap ko na ang babaeng nais kong makasama sa habambuhay. Hindi naman po ako pihikan. Sa mga nais makipagkaibigan sa akin, maaari silang tumawag dito sa bahay namin sa tel. bilang 419-08-39.

Hanggang dito na lamang at maraming salamat.

Sincerely yours,
Joseph V. Navarro


Dear Joseph,


Yamang inilahad mo ang tunay mong pangalan at telepono, inilalathala ko ito para sa mga interesadong makipagkaibigan sa iyo.

Nawa’y mahanap mo, hindi lamang ang isang kaibigang tapat, kundi isang babaeng mamahalin mo habambuhay at magiging karapat-dapat na ina ng inyong magiging anak.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR JOSEPH

DR. LOVE

HANGGANG

JOSEPH V

KALINGA APAYAO

KAMIAS ROAD

MAHIYAIN

MARAMI

NAGBIGAY

NAGTATRABAHO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with