Dr. Love Monday Special
December 31, 2001 | 12:00am
Pito kaming magkakapatid at ako ang panganay sa mga lalaki. Kaya naman ako ang naging paborito ng tatay ko. Akala ng mga magulang ko ay matino ako. Ang hindi nila alam, umiinom na ako ng alak at paunti-unting naninigarilyo.
Malaki ang naging impluwensiya ng barkada ko. Sa kagustuhan kong mapabilang sa grupo nila, ginawa ko ang lahat ng mga ginagawa nila, pati na ang pagdo-droga. Hindi lang drugs ang naging bisyo ko. Na-involve din ako sa maraming babae. Meron ngang isang partikular na babae na natipuhan ko. Nagkainteres talaga ako sa kanya hanggang sa mag-live in kami.
Nang mabuntis siya, tinayuan ko na rin yung pananagutan ko sa kanya kahit wala akong balak magpakasal noon kasi nag-aaral pa lang ako tapos ay nagdo-droga pa ako. Pero naging napakabuti niyang asawa. Maunawain siya at maasikaso sa akin.
Isang araw, bigla na lang akong nagkaroon ng sakit sa balat. Ang tawag ng mga doktor sa sakit na ito ay fungal dermatitis. Makating-makati ang balat ko at may tumubong mga butlig na parang singaw na nagtutubig. Nabalot ang buong katawan ko ng sakit na ito.
Sa ganoong kalagayan, hindi ako makalabas ng bahay. At nakita ko na lang ang sarili ko na nagbabasa ng Bibliya at nakikinig ng aral tungkol dito mula sa radyo. Nabasa ko sa salita ng Diyos yung tungkol sa mga salot na ipinadala ng Diyos sa Ehipto. Nagkaroon ako noon ng pananampalatayang kung kaya Niyang magpadala ng mga ito, kaya rin Niyang alisin ito. Kung sa ganon, kaya Niya akong pagalingin sa "salot" na sakit na dumapo sa akin. Ipinasya kong mag-ayuno ng tatlong araw. Noong ikatlong araw, napansin ko na hindi na ako umiinom ng gamot at naramdaman kong natutuyot na yung aking mga sugat. Sa ganitong paraan ko nakilala ang Panginoon.
Pero talaga atang sinusubukan ako dahil minsang lumabas kami ng misis ko para mag-celebrate ng Mothers Day, na-hold up kami. Nanlaban kaming pareho kaya lang ay may pumalo sa batok ko at akoy nawalan ng malay. Nang magising ako, nakita ko na lang na patay na ang misis ko. Para akong masisiraan ng ulo. Ang sumunod na damdamin ay galit, kagustuhang gumanti sa pamamagitan ng pagpatay sa mga pumatay sa asawa ko. Pagkalibing ng misis ko, pilit kong hinanap ang pumatay sa kanya. Sa isip ko, kahit isa lang sa kanila ang makita ko, papatayin ko. Pero hindi pinayagan ng Panginoon ang aking mga balak.
Sa tulong ng aking pastor at mga kaibigan, naka-recover din ako sa aking kalagayan at ang nakatutuwa sa sitwasyon ko ay na-involve ako sa isang gawaing tumutulong sa mga preso. Dito ko sila nakausap nang masinsinan at naintindihan kung bakit nila nagawa ang mga kasalanang naging daan sa kanilang pagkabilanggo. Dito rin ipinaunawa ng Diyos sa akin na kahit gaano kasama ang tao ay patatawarin Niya ito at ipadarama ang Kanyang walang hanggang pag-ibig.
Gaya ko walang kuwentang tao ako sa sarili kong paningin at sa mata ng ibang tao. Pero pinatawad Niya ako, pinagaling sa aking sakit at hindi hinayaang mamatay. Higit sa lahat, pinaunawa Niya sa akin kung bakit hindi ako bumitiw sa Kanya.
Jun
(Kung nais mong mapanood ang mga kuwento ng tagumpay na tulad nito, panoorin ang THE 700 CLUB tuwing Miyerkules ng hatinggabi at tuwing Linggo, 7:30 ng umaga sa GMA-7. Puwede ring tumawag sa THE 700 CLUB Counseling Center sa 810-7717 o 810-7176. Bukas ito nang 24 oras. Sa mga nasa probinsiya, puwedeng gamitin ang PLDT line na 1-800-1-888-8700 (libre at wala nang operator) o sumulat sa P.O. Box 37, Greenhills, 1502 San Juan, Metro Manila).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended