Kailangan kong magsakripisyo
December 16, 2001 | 12:00am
Dear Dr. Love,
My warmest regards to and the members of the staff of PSN.
Count me in as one of your avid fans. Hindi ko pinalalampas ang bawat isyu ng inyong malaganap na pahayagan lalo na ang pagbabasa ng inyong column.
Ako ay lumiham sa inyo para ihingi ng kuro-kuro at payo kung tama nga ba o hindi ang ginawa kong pagsusuko ng aking pag-ibig para mapanatiling buo ang aming pamilya bagaman nagdurugo ang aking puso.
Tatlong taon na kaming magkatipan ni Rey. Niyayaya na niya akong pakasal dahil gusto na niyang magkapamilya dahil handa na siya para rito.
Subalit sa pagpapakasal ko sa kanya, kailangan kong huminto na sa trabaho na siyang tanging pinagkukunan ko ng tulong sa aking pamilya at sa dalawang kapatid ko pang nag-aaral.
Hindi maunawaan ni Rey ang pakiusap ko na iliban muna ng dalawa pang taon ang aming plano para makatapos muna ang isa kong kapatid na siya ko namang aasahang tutulong naman sa pamilya ko sakalit hindi ko na magampanan ang aking dating ginagawa.
Para kay Rey, nakatulong na ako nang ilang taon kayat panahon na para naman asikasuhin ko ang sarili kong buhay.
Pero wala namang ibang puwede nang asahan ang aking ina para bumalikat ng tungkuling dapat gampanan sana ng aking ama na nalulong naman sa alak at sugal.
Hindi ko puwedeng pabayaan si Inay at dalawa kong kapatid. Hangad ko namang bumuti ang kanilang kalagayan sa buhay sa hinaharap matapos nila akong igapang sa pag-aaral.
Hindi matatahimik ang kalooban ko kung alam kong may hinanakit ang aking kapatid sa akin dahil mahihinto sila ng pag-aaral sa sandaling biglaan akong mag-asawa. Kaya minabuti ko nang makipagkalas kay Rey para sa kapakanan ng lahat.
Kung makapaghihintay sa akin si Rey, matatanggap ko siya. Kung hindi naman, hindi ko kayang isakripisyo ang nakararami para lang sa pansarili kong kaligayahan.
Payuhan po ninyo ako kung tama itong ginawa ko.
Sincerely,
Edith
Dear Edith,
Isa kang mabuting anak at kapatid. Hinahangaan ka ng pitak na ito sa kahandaan mong magsakripisyo ng sariling kaligayahan alang-alang sa magandang kinabukasan ng mga kapatid.
Wala akong nakikitang magandang dahilan para apurahin ka ng nobyo nang pagpapakasal kung ganito ang iyong dahilan matangi lang kung gumagawa na lang siya ng butas para kayo ay magkahiwalay.
Kung tutuluyan ka niyang kalimutan dahil lang sa hindi mo siya mapagbigyan sa hiling, puwes, huwag mo na siyang panghinayangan dahil nangangahulugan lang ito na ikaw lang ang gusto niya at walang puwang sa kanyang puso ang iba mo pang mahal sa buhay.
Makakatagpo ka rin ng ibang mas higit kaysa kanya na tanging ang sarili ang iniisip. Maaaring magkaiba ang agwat ninyo sa buhay kaya wala siyang pang-unawa sa iyong problema.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended