Dr. Love Monday Special: Aktres na dating may ka-live in, ulirang asawa na ngayon
November 26, 2001 | 12:00am
Una kong nakita si Jay sa set ng isang TV show. Tapos noong 1980, nagkaroon kami ng pelikula. Nagtutuksuhan na noon kasi araw-araw kaming magkasama. Pero pareho kaming involved sa iba ng mga panahong iyon. Noong awards night ng Metro Manila Film Fest, tinukso ako ni Lorna Tolentino na gusto raw ako ni Jay. Sabi ko naman, ligawan niya muna ako. Nagsimula kaming mag-date noong 1983. Iniwan ko ang showbiz para sa kanya sa loob ng siyam na taon. Siya ang naging sentro ng buhay ko.
Tapos bigla na lang siyang namatay sa isang aksidente. Para matabunan ang pangungulila ko sa kanya, nagparty-party ako, nag-drugs. Tapos, gusto ko ay lagi akong busy. Linis ako nang linis ng kotse at ayos nang ayos ng bahay. Pero higit na tumindi ang depression ko lalo na kapag naiisip kong hindi na talaga babalik si Jay.
Lumapit ako kay Boyet de Leon. Gusto kong sumama ulit sa Oasis (charismatic fellowship). Dati na akong sumasama noon pero tinutulugan ko lang sila. Pero ngayon tinotohanan ko na. Tumawag ako sa Diyos. Pinagdasal ko yung pagda-drugs ko. Hinanap ko ang pag-aaliw ng Diyos pero hindi ang Diyos. Unti-unti ko nang natatanggap ang pagkawala ni Jay.
Akala ko noon ay okey na ako. Nag-exercise ako, nagpaganda, nag-ballroom dancing. At nagkaroon ako ng maraming boyfriends. Kahit sino, puwede na. Kahit hindi masyadong mabait puwede na rin. Ang mahalaga sa akin, basta mayroon para huwag lang akong malungkot.
Lagi akong iniimbitahan ni Rio Locsin na umaattend sa fellowship nila ni Maricel Laxa pero hindi ako sumasama. Nakokornihan ako sa kanilang dalawa. Sumama lang ako noon dahil nag-bake ng carrot cake si Rio para sa akin. Hindi ko rin pinansin noon ang pastor na kumakausap sa akin.
Patuloy pa rin ang pakiramdam ko na may kulang sa buhay ko. Hanggang sa dumalo ako sa mga Bible studies nina Isabel Rivas at Terry Garcia. Doon ko nakilala ang Panginoong Hesus. Doon ko nalaman na kahit na ano pa ang kasalanan na ginawa ko, bastat tanggapin ko si Hesu Kristo bilang Panginoon at Tagapagligtas, mapupunta rin ako sa langit. Hanggat kasama ko ang Diyos, kumpleto ang pagkatao ko. Hindi ko na kailangang ma-involve kahit na kanino.
Nalaman ko ang tunay na ibig sabihin ng pagsuko. Isinuko ko ang buong buhay ko sa Diyos. Wala nang drugs, wala nang ka-live in. Conscious na ako sa mga bagay na tama. Ngayon, biniyayaan naman ako ng Diyos ng isang tunay na makakasama sa buhay, isang tunay na asawa.
Amy
(Kung nais mong mapanood ang mga kuwento ng tagumpay na tulad nito, panoorin ang THE 700 CLUB tuwing Miyerkules ng hatinggabi at tuwing Linggo, 7:30 ng umaga, sa GMA-7. Puwede ring tumawag sa THE 700 CLUB Counselling Center sa 810-7717 o 810-7176. Bukas ito nang 24 oras. Sa mga nasa probinsiya, puwedeng gamitin ang PLDT line na 1-800-1-888-8700 (libre at wala nang operator) o sumulat sa P.O. Box 37, Greenhills, 1502 San Juan, Metro Manila).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended