Alok na kasal
November 15, 2001 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Greetings from God!
Just call me Ms. Jhocia at mayroon po akong boyfriend-si Joe. Matagal na po ang aming relasyon, halos limang taon na.
Ganito ang nangyari sa amin. Noong sinagot ko siya, nagkahiwalay kami. Nasa probinsiya siya at ako naman ay nasa Maynila. Dalawang taon kaming walang komunikasyon sa isat isa.
Tapos, bigla kong nalaman na nabuntis niya ang second cousin niya pero hindi raw sila puwedeng ikasal. Noong umuwi ako sa amin, may namanhikan pero hindi ko siya gusto. Nagkataon na dumating din si Joe at namamanhikan din. Si Joe pa rin ang pinili ko pero ayaw ng aking pamilya sa kanya.
Dahil may anak nga siya sa kanyang pinsan, naghahabol yung babae. Nagbanta siya na kung kami ni Joe ang magkakatuluyan, papatayin daw niya ang bata at ireregalo sa kasal namin. Hindi naman nagpapabaya si Joe sa kanyang anak dahil sustentado niya ito.
Sinabi ni Joe na kasalanan nung babae kaya siya natukso. Naaawa naman ako sa kanya dahil halos napapabayaan na niya ang kanyang sarili.
Dapat ko po bang tanggapin ang alok niyang kasal kahit nagbabanta ang babaeng naanakan niya? Sana po ay matulungan ninyo ako sa aking problema.
Lubos na gumagalang,
Jhocia
Dear Jhocia,
Sa tuwing mabibisto ang isang lalaki sa kanyang kataksilan, ang idinadahilan ay natukso siya at hindi niya kagustuhan ang nangyari. Tandaan mo ito: hindi magaganap ang nangyari sa kanila ng kanyang pinsan kung hindi rin niya ito ginusto.
Hindi ka magiging maligaya kung may mag-ina na lumuluha at humihingi ng katarungan sa kanilang sinapit. Isa pa ay puwede namang ikasal ang mag-pinsang makalawa.
Kalimutan mo na lang ang boyfriend mo at humanap ka ng iba na higit na makapagpapaligaya sa iyo at hindi magbibigay sa iyo ng problema. Isipin mo na lamang, kung sa kanyang kamag-anak ay nagawa niya ito, sa iba pa kayang babae?
Huwag mong panghinayangan ang isang pag-ibig na hindi natutong magtimpi at magpahalaga sa iyong damdamin. Hindi ka dapat madamay sa gulong sinuong niya. Hindi rin magiging maganda ang samahang nabuo dahil lang sa awa at hindi sa tunay na pagmamahal.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended